Andi, nilinaw na ‘di niya iniiwan ang showbiz dahil tuloy lang pag may magandang offers

Ni: Rose Garcia

COMEBACK movie nga pala ni Andi Eigenmann ang All Soul’s Night dahil yung last na pelikula niya, ang The Maid in London ay mas una pa raw niyang ginawa, matagal na raw yun na kailan lang din naipalabas.

May impression na tinalikuran na niya ang showbiz, pero nilinaw ni Andi na hindi niya iniiwan ang showbiz, lalo na raw ang pag-arte dahil isa rin ito sa passion niya. Kung magtutuloy-tuloy na ang pagbabalik niya, depende pa rin daw.

“Depende lang po,” sey niya.

“Ever since naman po na tinanong ako ng mga tao sa situation ko sa showbiz and filmmaking, hindi naman ako nag-stop on purpose na sobrang tagal bago ko gumawa ng next. Hindi ko rin po masasabi kung tuloy-tuloy na.

“Pero kung meron pong offer na sunod-sunod po na magaganda, then, that would be really great and I won’t say no to that.”

Bilib kami kay Andi dahil hindi siya kagaya ng ibang pa-etchos o pa-eklay pa. Inamin niyang kaya rin naman siya hindi gumagawa ng anumang projects tulad nga ng pelikula dahil wala raw talaga siyang offers na natatanggap.

Bilang ni Andi kung gaano na katagal na hindi gumawa, aniya, one year and one month.

“Actually, walang offer,” pag-amin niya.

“Akala ko, kinalimutan na ko ng mga tao. Okay lang yun sa akin kasi ako naman ang nag-make ng decision na lumayo. Kaya sobrang natuwa ako noong tinawagan ako ni Boss Vincent del Rosario.”

AllSoulsNight Trailer Final0696

Kung may na-miss man daw siya sa showbiz, ito yung magdamit, may nag-aayos ng buhok niya at nagme-make-up. Sa buhay nga naman niya sa Siargao, wala lahat yun at talagang beach person lang siya.

Pang-Halloween ang tema ng comeback movie ni Andi na All Soul’s Night na showing na sa October 31 dinirek nina Aloy Adlawan at Jules Katanyag under VIVA Films and ALJUD Entertainment.

Pero sa totoong buhay, natatawang inamin nito na matatakutin daw siya.

“Sobrang matatakutin ako! Super! Ha ha ha!”

Sabi pa niya, “Sobrang duwag ako. Lalo na yung buong pamilya ko, alam nila yun. Mahilig kaming manood ng horro movies as a family pero I enjoyed it still. I feel that there’s a different feeling of adrenaline. Parang naggagawa ako ng extreme sports or nasa roller coaster ka.

“As long naman na may kasama kong manood, okay lang sa akin at saka, maaga kong nanonood.”

Although, matatakutin man daw siya, nagpapasalamat daw siya na wala pa siyang nararanasang anything na kababalaghan naman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s