Max, kinaiinggitan dahil nakasama si South Korean actor Jung Hae In sa APAN Star Awards

Ni: Rose Garcia

KINAIINGITAN ngayon ang Kapuso star na si Max Collins.

Nababasa namin ang mga hindi mapigilang comments ng mga mahihilig sa Korean drama dahil sa picture ni Max nang maging presenter ito sa APAN Star Awards sa Seoul among the Filipino artists.

Kasama ni Max sa picture ang South Korean actor na si Jung Hae In. Si Hae In ang bida ng popular drama na Something in the Rain at talagang pumatok hindi lang sa South Korea kung hindi maging sa ibang bansa, partikular na rito sa Pilipinas.

Hindi pa naipapalabas sa Pinas ang SITR pero dahil napakaraming K-drama addicts na nakaabang na online kaya ang dami nang nakapanood nito. Reason nga kung bakit nakapunta na rin dito si Hae In sa fanmeeting.

max c

Sey ng ilang comments, “namamatay ako sa inggit” sa picture ng dalawa.

Aba, ang ganda-ganda naman talaga ni Max sa awards night. Kung sa mga Korean actresses din lang, sigurado kaming hindi pahuhuli ang beauty ni Max or mas maganda pa, huh!

‘Di ba nga’t sa Busan International Film Festival kunsaan ay rumampa ito sa red carpet, napapa-wow sa kanya ang mga Koreans at ‘di napigilang magpa-picture rito, kesehodang hindi pa nila kilala kung sino si Max.

Si Max na in a week ay nagpabalik-balik sa Korea at nag-attend ng dalawang Korean awards night!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s