Jade, ikakasal nasa non-showbiz boyfriend; ibinahagi ang pre-nup photos

Ni: Ruel Mendoza

NAG-SHARE ang Kapuso actress at StarStruck alumna na si Jade Lopez ng ilang pre-nup photos sa kanyang Instagram at Facebook account.

Sa October 22 na ang wedding ni Jade sa kanyang non-showbiz fiance na si Rocky Siccion na gaganapin sa Manila Cathedral.

Sa magkasunod na post ni Jade sa IG nilagyan niya ng caption na best described ang pre-nup photos na kinunan pa sa Tokyo, Japan.”Exactly 2 weeks to go!!! #rockjadeyrock

“Sharing this pre nup photo we did last January 2018 in time for our first year of engagement. 😍😍 Japan is and will always be our happy place. This is the country where he proposed to me amid the snow. We always joked about how we can live here and work in Yoshinoya. Hehe. ❤❤💒”

“i remember the first day i ever looked into your eyes and felt my entire world flip 📸 Ken Suzuki #rockjadeyrock 13days to go. 😍”

Sa naging panayam namin kay Jade via Facebook Messenger, kinuwento nito kung bakit sa bansang Japan nila naisipan ni Rocky na mag-shoot ng kanilang pre-nup photos and video.

“First of all, sa Japan nag-propose sa akin si Rocky noong January 31, 2017, kaya sobrang memorable sa amin iyon.

“Kaya we consider Japan as our favorite country. Our happy place kumbaga.

“Wala kaming specific na concept in mind noong mag-shoot kami for our pre-nup photos and video sa Tokyo.

“Noong mag-celebrate kami ng first year ng engagement namin, sa Japan din kami nag-shoot.

“Kaya anything goes. Ang importante, kasama ang Japan sa wedding namin. Kasama siya sa pinaghandaan namin ni Rocky,” sey ni Jade.

Ang naging photographer nila ay si Ken Suzuki. Pero may pa raw silang isa pang pre-nup video na kinunan ng kanilang official wedding photographer na Colove Studios and videographer na Bow and Arrow Films.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s