Gown na isusuot sa wax figure ni Pia para sa Madame Tussauds Hong Kong, sikreto pa hanggang ngayon

Ni:  Rohn Romulo

MASAYANG-MASAYA nga si Jonas Gaffud na ang alaga niyang si Pia Wurtzbach, ang kauna-unahang Pilipino na magkakaroon ng wax statue sa Madame Tussauds Wax Museum sa Hong Kong.

Ayon kay Jonas, “Ako ang nag-ayos nun, sa totoo lang.”

May kaibigan ni Jonas na taga-PR department ng [PLDT] Ultera na siyang nag-ayos ng pagkakapili kay Pia.

“Kinukulit ko every week, ‘Huy ano ba, wala ka bang projects for my online show, ‘ganyan.

“Hanggang sa tumawag siya one day, na may project si Pia, na dumating lang din sa kanila yun. Sila din kasi ang PR ng Madame Tussauds.

“Tinawagan ko agad si Pia, saktung-sakto, after a week na nakabakasyon kami papuntang US.”

empire stuidos

Hindi pa alam ni Jonas ang eksaktong petsa ng paglalagay ng wax figure ni Pia sa naturang sikat na tourist attraction.

Sekreto pa hanggang ngayon kung ano ang suot na gown ng wax figure ni Pia sa Madame Tussauds pero siguradong may kinalaman ito sa pagiging Miss Universe 2015 niya

Anyway, ipinaliwanag ng head ng Empire.PH ang pagkakaiba ng Mercator Artist & Model Management at ng bago niyang venture, ang Empire.PH.

Nasa ilalim ng umbrella ng Empire. PH ang Mercator at iba pang departamento nito.

Kilalang beauty queen maker, sa ngayon ay pinakamalapit raw sa puso ni Jonas na departamento ng Empire.PH ay ang digital.

“Kasi eversince nung nag-apply ako sa GMA, sa ABS-CBN nung nag-graduate ako, na hindi ako natanggap, I really wanted to produce shows.”

Pati raw ang pagiging PA o production assistant ay in-apply-an nya sa dalawang malaking networks.

“Siguro hindi para sa akin.”

At ngayon nga na may sarili na siyang empire ay sa digital siya medyo mas tututok.

“Kasi yung studios na pagtuturo ng pageant kunwari, ongoing naman  yun sa akin e, yung modelling ongoing, yung showbiz ongoing, yung digital, ito yung bagong venture ko.”

Ang ilan sa mga digital shows sa Empire. PH ay ang cooking show ni Pia na The Beautiful Kitchen, Travel With Swag ni Daniel Azurin, Game Of Crowns (ni Jonas at iba pang beauty pageant experts) at ang health and wellness show ni Daniel Matsunaga na The Process.

“Marami pa kaming balak na gawin next year, sa ngayon marami na kaming naka-up na shows but yung mga ngayon parang we just tested the waters so ngayon nasa Facebook siya, may website, nasa Youtube.”

Ang Empire.PH Studios ay matatagpuan sa 2nd floor ng Uptowm Mall sa Bonifacio Global City na may studio rentals, Personality Development and Self-Improvement, Show and Tell (acting classes, etc.) Pageant Coaching, Royal Grooming, Modelling at Fitness and Wellness.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s