Bianca at Miguel, balitang nag-iiwasan sa kanilang bagong show

Ni: Ruel Mendoza

NAG-IIWASAN nga ba sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix?

Ito raw ang napansin ng ilan sa naganap na premiere episode ng Studio 7 noong nakaraang Linggo.

Para raw ilang na ilang ang BiGuel loveteam sa isa’t isa. Hindi raw tulad noon na halos hindi mapaghiwalay ang dalawa. This time daw ay parang ayaw nilang magkasama silang dalawa.

Kung ang kanilang Instagram feed ang pagbabasehan, matagal nang hindi nagpu-post ng photo na magkasama ang dalawa. Huling post na photo ni Miguel na kasama si Bianca ay noong July pa. Gano’n din kay Bianca na month of July pa ang huling photo na kasama si Miguel.

Matagal ding hinihintay ng BiGuel fans ang bakasyon ng dalawa sa Japan. Kung matatandaan ay niregaluhan ni Miguel si Bianca ng isang all-expense paid trip to Japan noong 18th birthday nito.

Nakakuha na kasi ng kanyang passport si Bianca kaya ang gusto raw nitong unang puntahan ay ang bansang Japan.

Nabanggit pa noon ni Miguel na naka-schedule na raw silang magbakasyon ni Bianca sa Japan pagkatapos ng kanilang teleserye na Kambal Karibal.

Pero ilang buwan na ang dumaan at hindi pa rin nakakaalis ang dalawa para sa kanilang bakasyon.

Kaya hindi maiiwasan na isipan ng ilang fans nila na baka may katotohanan ngang may problema sa pagitan nila Miguel at Bianca.

Bago nga raw nagtapos ang Kambal, Karibal ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Bianca at Miguel na nauwi raw sa paghihiwalay nila.

Kaya bigla raw na-link si Bianca kay Ruru Madrid at si Miguel naman ay na-link naman sa Kambal, Karibal co-star nilang si Kyline Alcantara.

Isa pa naman sa top loveteams on primetime ang BiGuel at sayang naman kung mauuwi lang sa hiwalayan ang lahat ng pinagpaguran nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s