Janine, wish ang dalawang lola na sina Pilita at Nora ang kumanta ng wedding song ng Mommy Lotlot

Ni: Nora V. Calderon

SINA Janine Gutierrez, Andrea Torres, Pancho Magno, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, ilan sa mga kasama ni Alden Richards sa kanilang action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol ay bilib na bilib sa dedication niya sa trabaho.

Mabait daw at simple lamang si Alden, walang reklamo.  Wala siyang cut-off sa taping kahit siya ang bida.  Sa pagpapalit-palit daw lamang niya ng costume, sila raw ang napapagod kay Alden.

Kaya iyon ang sinabi namin kay Alden nang makaharap siya ng mga press na dumalaw sa set.

“Motivation ko na po ang pagpunta sa taping, lagi akong looking forward na makasama ko sila muli,” sabi ni Alden.

“Nagustuhan ko na po kasi ang mag-action, hindi na ako takot gumawa ng mga stunts at sinasabi ko nga kina Direk Dom Zapata, na as much as possible, gusto ko na ako ang personal na gagawa ng mga stunts ko.  Tiwala po ako sa stunt director ko at sinisiguro muna niya na safe bago ko gawin ang eksena.

“Masaya na po ako kapag magaganda ang feedback na natatanggap ko mula sa viewers.  Worth it po iyon kaysa ratings.  Kaya naman kapag nagsu-shoot kami ang mga viewers ang nasa isip ko kung magugustuhan ba nila ang ginagawa ko. 

“Nakakatuwa po kapag may mga batang dumarating sa set at natutuwa sila kapag nakikita nila akong ginagawa ko ang stunts.  Like po iyong back lift ko as Hammerman, ginawa ko iyon na hindi ko na inisip dahil naka-harness naman ako at nagawa ko naman daw nang maayos sabi ng stunt director ko.”

ALDEN3

Natanong si Alden kung mawawala na ba talaga ang character ni John Estrada, bilang si Loki.  Last Tuesday evening kasi napatay na si Loki ni Modi (Pancho Magno) matapos nilang labanan ito at ang malaking ahas na anak nito.

“Hindi ko pa po alam kung talagang patay na siya.  Pero ang alam ko po ay may mga cast na babalik at marami pang papasok na mga special guests.  Hindi ko pa rin po alam kung tuluyan ko nang iiwanan ang pagiging si Hammerman. 

“Looking forward po ako sa mga susunod na eksena namin.  Wala pa rin silang sinasabi kung hanggang kailan pa ang ‘Victor Magtanggol’.”

Aminado si Alden na kulang siya sa tulog, dahil kahit umaga na siya umuwi mula taping, nagri-report pa rin siya sa Eat Bulaga.

“Babawi na po lamang ako sa Christmas vacation namin ng family ko sa USA.  Nabigyan po ako ng 10 days vacation, pero kailangan ko pong bumalik bago ang New Year’s countdowan sa December 31.  Panata ko na po iyon since pumasok ako sa showbiz.”

Anyway, wish pala ni Janine na sa wedding ng mommy niyang si Lotlot de Leon ay ang dalawang lola niya ang kumanta ng wedding song sa kasal nito this December.

Nalaman daw kasi niyang nagkausap na ang kanyang Mamita Pilita Corrales at ang Mama Guy (Nora Aunor) niya.  At masaya siyang malaman iyon.

Bukod kasi sa taping ng Victor Magtanggol at shooting ni Janine ng Elise sa Regal Films with Enchong Dee, tinutulungan niyang maghanda para sa garden wedding ang Mommy Lotlot niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s