Roderick, nakikiusap na ‘wag silang pag-awayin ni Gian sa makakalaban bilang QC Vice Mayor

Ni: Ricky Calderon

NAG-FILE ng COC si Councilor Roderick Paulate who is running as Quezon City Vice Mayor with Chuck Mathay as Mayor sa 2019 midterm election under the Katipunan ng Demokratikong Pilipino Party.

Sina Chuck at Roderick lang ang tatakbo under the KDP party pero open sila kung sino ang gustong tumakbong congressman at mga councilor under their party Sabi ni Roderick, magkakaroon ng choice ang QC voters kung sino ang iboboto sa mga tatakbo.

Ang pakiusap lang nito, ‘wag silang pagkumparahin at lalong wag silang pag-awayin ni Gian Sotto who is also running Vice Mayor. Malapit kasi siya kay Ms. Helen Gamboa at hindi maganda kung iintrigahin sila ni Gian. Pero tanggap naman niya na possible silang gawan ng intriga.

Sinabi rin ni Kuya Dick na sana ang pag-usapan ang kanilang kakayahan nilang dalawa ni Gian at huwag haluan ng politika. Public service lang naman ang kanyang nais sa pagtakbo niya bilang Vice Mayor.

Kung may masasabi man siyang edge among the other possible vice mayor candidates is the fact na ginagawa na niya ang trabaho ng vice mayor in his capacity as President Pre Tempore ng Quezon City council. Kapag wala ang Vice Mayor, siya ang presiding officer sa meeting ng city council.

Nasa last term na si Kuya Dick bilang konsehal sa 2nd District ng Quezon City. Ang pagtakbo niya bilang Vice Mayor ay bunsod nang kanyang kagustuhan na maipagpatuloy ang kanyang pagbibigay ng serbisyo sa mga tao, not only sa 2nd District kundi sa buong Quezon City na rin.

Hangad niya ang malinis at maayos na halalan sa Mayo. For now ay patuloy pa rin siyang mapapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano until before the campaign period.

Open din siya sa idea na gumawa ng pelikula.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s