Mikee, aminadong nasaktan nang sampalin ni Kate dahil naging totoo

Ni: Rose Garcia

DAHIL sa sobrang intense ng mga eksena sa pagitan nina Mikee Quintos at Kate Valdez, umabot na pala sa nagkasakitan ang dalawa sa isang eksena na naipalabas na sa Onanay.

Hindi raw na-control ni Kate ang emosyon sa galit nito na ang scene ay sasampalin niya talaga si Mikee. Ang nangyari, naging totoo talaga ang pagkakasampal nito at sobrang sakit daw talaga.

Dalawang araw raw na sumakit ang tainga ni Mikee dahil sa sampal. Nag-worry rin daw ito na baka magkaroon ng bad effect sa eardrum niya at hindi na niya magamit sa pagkanta niya.

Mikee_Jo_Kate (4)

Inamin ni Mikee na at first medyo nainis siya dahil nasaktan nga siya pero saglit lang daw yun.

Sey ni Mikee, “Siyempre sa umpisa, yung after ng scene kasi ang sakit, e. Pero naintindihan ko naman. Ganun talaga minsan, sobrang intense, nagtuloy-tuloy.”

Nakita rin daw ni Mikee na halos nanigas si Kate after the scene. Nagulat at natakot ito. Sa tent daw nila ay hagulgol daw halos sa pagso-sorry sa kanya.

Pero sabi nga ni Mikee, “naawa rin talaga ko sa kanya. Kasi, hindi naman niya yun sinadya. Siyempre, ibang usapan na kung sinadya niya, ha ha ha!”

Sa primetime series lang daw na Onanay sila magka-away ni Kate. Pero sa totoong buhay, okay raw sila. Kaya nagtataka nga raw siya kapag may nagtatanong sa kanya kung kumusta ba silang dalawa.

Sa isang banda, all praises naman si Mikee sa gumaganap na nanay niya na si Jo Berry. Sey niya, sobrang galing at propesyunal daw nito.

“Alam niyo, sobra kong proud talaga sa kanya,” sey pa niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s