Alden, aminadong nahihirapan silang pataasin ang ratings ng ‘Victor Magtanggol’

Ni: Rose Garcia

HALOS puro eksena ni Alden Richards ang lahat nang kinukunan nung dumalaw kami sa taping ng Victor Magtanggol bilang siya ang bida ng primetime series na ito ng GMA-7.

Pero kahit alam mong pagod, puyat ito mismong mga co-stars na niya ang nagpapatunay na ibang klase raw talaga ang attitude sa work ni Alden.

‘Yung tipong sila ang mahihiya sa energy nito at sa pagiging masayahin pa rin at halos lahat daw talaga, kinakausap sa set.

Nang makausap na namin si Alden, diretsuhan na itong tinanong kung nakikita naman niyang sulit naman ang effort na binibigay niya for VM

“Worth it po,” mabilis niyang sagot.

“Aminin na po natin, we’re having difficulties with the ratings but we don’t mind. Actually ako po, I don’t really mind kasi yung feed back po ang reaction that we get from the audience, specially yung mga bata, parang yun po ang drive namin to be more passionate with our work.

“Kasi yung mga aspeto po na yun, hindi na namin kontrolado specially ratings, wala na po kaming magagawa run. Ang tanging magagawa po namin ay mapaganda ang istorya at ipagpatuloy ang kalidad ng Victor Magtanggol.”

ALDEN9

Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Alden kung hanggang kailan pa ito. So far raw, ang sabi naman ng management ay tuloy pa rin sila.       Although, kung sakali at aabutin pa sila hanggang next year, posibleng mag-advance taping si Alden bago mag-Pasko.

Naka-plano na rin kasi kung saan magse-celebrate ng Kapaskuhan si Alden kasama ang kanyang pamilya. Sa U.S. na raw sila dahil ang Lola niya ay nagbabakasyon na rin dun kaya susundan na lang nila.

Originally, sa Europe sana ang plano nila.

“Parang hindi na po kaya kung mag-Europe pa, kaya kami na lang po ang susunod sa kanya. Mga ten days lang po ako. Yun lang po ang naipagpaalam. Then, sa New Year’s countdown po, nandun po ako. Panata na po natin yun.”

In fairness nga, walang palya na kahit pa sumikat na ng husto si Alden, isa siya among the Kapuso na nakikisaya at sumasalubong tuwing New Year’s countdown.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s