Sharon at Richard, pinagalitan ni Direk Cathy sa pagpo-post tungkol sa movie

Ni: Nora V. Calderon

NAGSIMULA na palang mag-shooting ng comeback movie nila ang magka-love team na Sharon Cuneta at Ormoc Mayor and actor Richard Gomez for Star Cinema.

Kaagad nag-post ng video si Sharon sa kanyang instagram wall with caption:“My first day of shooting was yesterday.  Richard’s and my first day together is today.  Good so far. Happy. #shagoms30 #threewordstoforever.

“Pinagalitan na kami ni direk, hahaha. No more posting!”

“Direk, @starcinema, sorry mga pasaway talaga kami.  Last na po!  Hahaha! @richardgomezinstagram.”  Tiyak na tuluy-tuloy na ang shooting ng movie ng isa sa well-loved loveteams.  Sabi ni Sharon noong kanyang katatapos na concert na My 40 Years, Sharon sa Smart Araneta Coliseum, magsu-shoot din daw sila ng ilang scenes sa Ormoc City.

May playdate na kasi ang showing ng Three Words to Forever sa November 28, 2018, kaya sana nga ay tuluy-tuloy na ito.

Pero in between the shooting, nagawa pa ring mag-shoot ni Sharon ng new TVC niya for Selecta.  Masaya si Megastar dahil ang first TVC niya sa kanila ay noon pang 1993, at after 25 years, saka lamang siya muling kinuha ng ice cream brand.

sha goma

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s