Regine, tuloy na tuloy na ang paglipat sa Kapamilya network sa January 2019

Ni: Rohn Romulo

TAPOS na ang mga speculations, tuloy na tuloy na raw ang paglipat ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa Kapamilya network.

Ayon mga balita, maraming shows ang nakalaan para kay Regine at ito na rito ang The Voice, na posibleng maging isa sa hosts at kung hindi na siya takot na mag-judge, makakasama niya sina Sharon Cuneta at Bamboo.  Hindi kasi sure kung sino kina Sarah Geronimo at Lea Salonga ang magiging judge pa rin.

Pero ilang buwan pa ang hihintayin dahil sa January 2019 pa raw makikita sa ABS-CBN si Songbird, ayon sa mga sources.

Last month nga nag-expire ang latest two-year contract niya sa GMA 7 at wala pang official statement ang Kapuso network at mukhang hindi na nga nahilot at nag-counter offer para mag-stay si Regine.

Regine-ogie

Lalo pang umugong ang napipintong paglipat na umapir siya kasama ang asawang si Ogie Alcasid sa first ABS-CBN Ball at nagpa-picture kasama ang Kapamilya personalities.

Dalawang dekada rin nagtrabaho si Regine sa GMA 7 at huli nga siyang napanood sa The Clash at Sarap Diva.

Next year, makakasama na nga siyang mga dating GMA artists na lumipat din sa ABS-CBN na kinabibilangan nina Ogie, Jaya, Janno Gibbs, Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, Elmo Magalona, Enzo Pineda, Ryza Cenon, at Angel Locsin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s