Kris, sinabihan ni Mayor Herbert na mahirap talaga na maging karelasyon

Ni: Nora V. Calderon

MARAMING natuwa nang after so many days, muling nag-post ng picture si Queen of All Media Kris Aquino sa kanyang Instagram wall, matapos niyang makabalik from Singapore na doon siya nag-undergo ng mga tests para sa kanyang sakit na doon lamang may mga doctors na gagawa ng tests. Pero ang mga netizens, natuwa nang nag-post siya ng picture na kasama si Quezon City Mayor Herbert Bautista.  May mga nagtanong na kung may ‘balikan’ daw bang nangyari matapos silang mag-dinner sa isang restaurant sa Podium with some friends.

Narito ang post ni Kris: “Admittedly in  2014 HAPPILY EVER AFTER wasn’t meant for us. BUT it wasn’t THE END.  He’s been there whenever i needed a friend, hindi na ko nagulat – nandito sya ngayon… Bakit sya? This is my WHY: nabasa niya mismo my long term endorsement contracts – renewals plus 3 new ones. 

“They all strongly discourage me from divisive political participation & even posts.  He want’s me to regain my health & he supports my priorities.  Ako nang magsasabi, when we fought nasumbat ko na: naging 1st daughter & 1st sister na ko – di mo ba na-appreciate na ikaw ang minahal & di yung posisyon mo?

“Binweltahan nya ko: kaya nga ang hirap mong maging karelasyon kasi pinaghirapan ko ‘to tapos user ang ibabato sa kin? I chose to share this because our story has my perspective & his point of view.  I’ve survived a lot recently & you deserve our TRUTH.”

Sa ngayon ay kailangan munang ma-regain ni Kris ang health niya.  Ayaw na niyang mag-alaala ang mga anak na sina Josh at Bimby, bago siya muling bumalik sa trabaho niya next month. Affected nga iyong iflix movie na gagawin niya under Adolf Alix Jr. 

Tungkol sa nanloko sa kanya at sa financial aspect, ipinababahala na niya iyon sa mga lawyers niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s