Angelika, binabato ng mga kaso at may death threat sa pagiging Kapitana

Ni:  Rose Garcia

NAPABILIB kami ni Angelika dela Cruz nang makita namin noong mismong blessing ng Barangay Hall ng Longos, Malabon ang nagawa niya sa kanilang barangay.

Ikalawang termino pa lang ni Angelika bilang isang Kapitana, pero naman, kahit sino siguro ang makakakita o magagawi sa Longos, Malabon at makita ang Barangay Hall na pinagawa nito, hindi iisiping Barangay lang ito kung hindi isang City Hall.

Na-maximize ni Angelika ang lupa at kumpleto sa mga offices/facilities. Meron pang chapel para pagburolan ng libre at kasalukuyang itinatayo ang 4-storey Disaster Building.

Kuwento ni Angelika, pag-upo pa lang niya bilang isang Kapitana ay talagang gusto na niyang ipagawa ang Barangay Hall nila.  Siya raw mismo ang nanghingi para rito at inaming nag-abono ng malaki para maisakatuparan ang pangarap niya sa barangay nila.

Dominant ang color purple sa Barangay.  Kulay raw ito ng namayapang kapatid na si Edward dela Cruz na kung nabubuhay, malamang ito ang nakaupo bilang Kapitan. Aminado naman si Angelika na ipinagpatuloy niya lang talaga ang dapat ay sa kapatid niya.

Sangkaterbang kaso na raw ang ibinabato sa kanya ng iba. Na tingin namin, threatened sa kanya kung sakali at tatakbo pa siya sa higher position. Bukod sa mga death threat na natatanggap niya at ng pamilya niya.

Pero sabi ni Angelika, wala raw siyang planong tumakbo pa sa mas mataas na posisyon sa ngayon.

Tatlo ang pinagsasabay-sabay ni Angelika sa buhay niya.  Ang kanyang pamilya na never raw niyang napapabayaan kahit gaano siya ka-busy, ang Barangay na kung wala raw siya at may taping ay halos 24 hours naman siyang naka-monitor through phone and video calls at at showbiz career niya.

Bukod sa pagiging part ng bagong sitcom nina Vic Sotto at Maine Mendoza na Daddy’s Gurl at magpa-pilot na sa October 13, may sisimulan din siyang bagong teleserye sa GMA-7.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s