Aga at Bea, posibleng maging sila kung walang Charlene at Gerald

Ni:  Rose Garcia

GRABE yung attraction between Aga Muhlach and Bea Alonzo. 

Parehong ang bilis sumagot ng dalawa nang tanungin ang mga ito kung sakali at ngayon, wala pang asawa si Aga, wala pang Charlene Gonzalez sa buhay niya at wala namang Gerard Anderson sa buhay ni Bea, posibleng maging sila.

“Oo naman! Oo naman, napakadali,” mabilis na sagot ni Aga.

“Parang binata ako at dalaga siya.  Paano ka namang?  Paano kang hindi ma-in-love diyan.  Kahit my age now, hindi naman ako matanda, tumanda lang ako, even my age now and her age now, wala akong asawa, wala siyang boyfriend, kami!”

Gayundin si Bea na hindi raw niya akalain talaga na mangyayari yung pangarap niya lang dati na maka-trabaho si Aga.

At mabilis din na, “oo nga, ‘di ba?!”

“Sino ba ang hindi?!” sa tanong kung mai-in-love rin siya kay Aga kung parehong single sila ngayon.

Napaka-passionate raw na tao ni Aga at hindi ito magsasabi ng isang bagay kung hindi mini-mean. Kaya siguro raw, ganun din magmahal si Aga.  At inamin din niyang kinikilig siya sa leading man.

Parehong excited sina Aga at Bea sa Star Cinema, TEN17 at VIVA Films movie na First Love at ipalalabas sa October 17, incidentally, kaarawan mismo ni Bea at ng director ng movie na si Direk Paul Soriano.

Bukod sa first team-up nina Aga at Bea, ilu-look forward din sa movie ang Vancouver, Canada kung saan sila nag-shooting.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s