Kris, aminadong matagal na niyang crush si Rayver at ini-stalk pa

Ni: Ruel Mendoza

HINDI pa rin makapaniwala ang Kapuso actress na si Kris Bernal na leading man niya ngayon sa bagong teleserye sa GMA-7 ang dating kibababaliwana niya na si Rayver Cruz.

Magkasama ang dalawa together with Thea Tolentino, sa teleserye titled Asawa Ko, Karibal Ko.

Inamin ni Kris na sobrang crush daw niya si Rayver noong high school pa lang daw siya.

“As in pinapanood ko siya lagi, ini-stalk ko siya. Ganun ako kalala kay Rayver.

“As in crush ko talaga siya. Oh my gosh ha hindi niya alam ‘yan. Hindi ko akalain na ngayon makakatrabaho ko na siya,” tawa pa ni Kris.

Mabilis nga raw naka-bonding nila Kris at Thea si Rayver sa unang taping day pa lang nila.

“Kuwela na ano parang welcoming ‘yung feeling niya para sa mga tao. Kahit first time namin na mag-meet puwede nang chummy chummy eh,” sey pa ni Thea.

rayver-cruz

Nagustuhan naman daw ni Rayver agad ang istorya ng naturang teleserye na medyo sensitibo ang tema.

Ganitong mga kuwento raw ang hanap ng nagbabalik na Kapuso aktor para raw maibigay niya ang kakayanan niya sa pag-arte.

“Nu’ng binabasa ko nga ‘yung script ano eh parang ang galing nu’ng istorya and kakaibang love story siya. Excited na akong mapanood na ng mga tao and magsimula na,” diin pa ni Rayver Cruz.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s