Max, headturner nang rumampa ‘Busan International Film Festival 2018’; maging Korean fans ay napa-wow

Ni: Rose Garcia

ISA ang Kapuso star na si Max Collins sa Philippine delegates para sa Busan International Film Festival 2018 na nagsimula noong October 4. Nakatanggap kami ng report sa naganap sa red carpet at isa raw si Max sa masasabing naging headturner nang rumampa ito.

Ang ganda naman ngang talaga ni Max wearing her Cherry Veric gown na off-white sequin at kakaaliw na ang handler niya sa PPL Entertainment, Inc. na siyang kasama ni Max sa Busan ang obviuously, nag-plantsa na ng buhok nito at mukhang si Max na rin halos ang nag-make-up sa sarili.

Pinalakpakan ito maging ng mga Korean fans napa-wow raw sa Kapuso star kahit hindi at nakakatuwa nga raw na may mga Korean fans na nagpapa-picture talaga. Hindi pa naman nila kilala si Max dahil opening night pa lang at hindi pa ipinapalabas ang movie niya na Citizen Jake.

max c2

Hindi nakarating ang director ng movie na si Mike de Leon, pero nagbilin daw ito ng message niya na si Max na ang magbabasa.

Special ang BIFF 2018 ngayon sa Pilipinas dahil inilunsad dito ang commemorative book on the Philippine centennial. Bukod kay Max, dumalo rin siyempre ang FDCP Chairman na si Liza Dino at ibang artista tulad nina Joel Torre, Sandy Andolong, Christopher de Leon at Piolo Pascual.

Nabasa namin sa soompi.com ang update noong opening night. Ang dami rin na mga sikat na Korean stars ang present sa event tulad nina Nam Joo Hyuk, Hyun Bin, Girls’ Generation Sooyoung, EXO’s Lay, ang mga South Korean actress na sina Kimm Hee Ae at Han Ji Min.

Bago umalis si Max ay nakausap namin ito na excited sa BIFF 2018 dahil ito ang unang international film festival na makakasama siya bukod pa sa paborito raw niyang destination ang South Korea and in fact, nakailang balik na raw siya rito.

Hindi lang daw siya masyadong familiar sa mga actors, pero, alam niya ang ilang K-pop groups.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s