Manolo, masuwerte dahil sa unang proyekto sa GMA-7 ay kasama agad sa primetime series na ‘Pamilya Roces’

Ni: Rose Garcia

NGAYONG gabi na ang pilot ng bagong primetime series ng Kapuso network, ang Pamilya Roces.

Positibo ang dating sa amin ng bagong serye na ito ng GMA-7 na although ang tema ay tungkol na naman sa infidelity at pagkakaroon ng sabay-sabay na tatlong pamilya ng head of the family, which is played by Roi Vinzon, maganda yung naisip nila na hindi ito gawing heavy drama dahil sa trailer pa lang, nakakaaliw na ang karamihang eksena at characterization ng cast.

Masuwerte ang bagong Kapuso na si Manolo Pedrosa dahil unang proyekto pa lang niya sa GMA-7, primetime at malaki na. Bukod pa sa ang director nila ay si Direk Joel Lamangan.

gabbi & manolo1.jpg

Aminado si Manolo na dahil may dalawang taon siyang nawala since his two years stint in ABS-CBN after PBB, mas nag-mature na siya sa maraming aspeto at alam din niya na acting-wise, though mas seryoso at mas determined siya ngayon, mas marami pa rin siyang dapat matutunan at iimprove. Kaya kasabay ng taping niya ng Pamilya Roces, tuloy-tuloy raw siya sa pagwu-workshop.

Nakita namin nung presscon ng Pamilya Roces na posibleng isa si Manolo sa mga bagong Kapuso na “bet” ng network. Malaking bagay na among the cast, aba, finale talaga siya nang ipakilala.

MANOLO PEDROSA 7.jpg

Parang ibinabalik naman ni Manolo ang pagpapahalaga ng network sa kanya. Last man standing ito nung presscon. Nakaalis na lahat ng cast, pero siya ay sige pa rin sa interview sa mga natirang press people/bloggers.

Tuloy, naalala namin ang naging komento ng partner niya sa Pamilya Roces na si Gabbi Garcia na sobrang sipag daw ni Manolo na mag-trabaho. Gusto raw nito work nang work. Kaya ending daw, pati siya namo-motivate mag-trabaho kahit mga segueway-segueway pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s