Gloria, sumasang-ayon sa pag-join ng mga transgender women sa mga beauty pageant

Ni:  Ruel J. Mendoza

KABILANG si Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa sumasang-ayon sa pag-join ng mga transgender women sa mga beauty pageant tulad na lang ng Miss Universe.

Sa unang pagkakataon ay may isang transgender candidate na sasali sa Miss Universe 2018. Ito ay si Miss Spain Angela Ponce na naging usap-usapan sa buong mundo ang pagkapanalo.

GLORIA DIAZ 2

Tinanggal na kasi ng Miss Universe ang ban sa pagsali ng transwomen noong 2012. Kaya open na ang naturang pageant sa pagtanggap sa mga transgender candidate.

“Well, I have nothing against that, gusto ko nga ‘yun, eh.

“It’s more competition kasi and it doesn’t mean naman na you cannot be beautiful because you’re transgender, di ba?

“But I don’t know how it will affect the competition itself because usually kapag beauty contest babae parang reyna,” sey ni Ms. Gloria.

Pinaalala nga ni Gloria na naging judge na siya noon ng ‘Super Sireyna’ sa Eat Bulaga. Sobra ang paghanga niya sa mga sumali sa naturang contest.

“Ang gaganda talaga ng mga Super Sireyna contestants. Even sa malalapit ang gaganda nila,” pagtapos pa ni Ms. Gloria Diaz.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s