Gabbi, gusto ni Gloria na maging bida kung ire-remake ang ‘Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa’

Ni: Nora V. Calderon

LAST week, nagkasunud-sunod ang mga presscons na pinuntahan  ni Kapuso actress Gabbi Garcia. Magkasunod kasi ang presscon ng bago niyang musical show na Studio 7 at last Wednesday evening naman ang presscon ng Pamilya Roces.

Biro nga niya wala na raw sigurong maitatanong sa kanya.

Pero isang tanong na matagal nang gustong itanong sa kanya ay iyong pag-alis niya sa Sunday PinaSaya.

Sabi kasi ng show, magpapahinga lamang siya, pero babalik din.  Matagal na siyang wala, almost a year na pero hindi na siya bumalik.

GLORIA DIAZ 7

Naiwan niya ang ka-love team na si Ruru Madrid, matapos ding mamatay na ang character niya sa Sherlock Jr. na pinagtambalan nila noon.

“Ang totoo po, ang reason ko talaga ng pag-alis, dahil may classes ako ng Saturdays, hindi po ako pwedeng mag-absent,” sagot ni Gabbi.

“Every Saturday po naman ang rehearsal namin sa SPS para sa show kinabukasan, at nahihiya naman akong lagi ring mag-absent at basta ako darating ng Sunday to perform na walang rehearsal. 

“Naintindihan naman ako ni Ateng (Rams David, Supervising Producer ng SPS) at okey po naman kami.  At nagkasunud-sunod na rin po ang mga out of the country kong shoot para sa mga commercial ads ko, kaya nag-decide na rin akong huwag nang bumalik sa show.”

GABBI GARCIA 2.jpg

At ngayon nga, may dalawa siyang bagong shows.  Mondays to Fridays ang bago nilang dramedy series na Pamilya Roces at every Sunday naman, ang musical variety  show na Studio 7.

Sa teleserye, gaganap na mag-ina sina Gabbi at ang first Filipina Miss Universe na si Ms. Gloria Diaz noong 1969.  Kasama si Carla Abellana, sila ang legal family ni Rodolfo Roces (Roi Vinzon).  Naging close sila dahil sila ang laging magkakasama sa set.

Kaya ano ang magiging reaksyon ni Gabbi kapag nalaman niya ang sinabi ni Gloria sa interview sa kanya after the presscon, na kung may magri-remake daw ng first movie niya in 1974 na Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa, ang gusto raw niyang gumanap dito ay si Gabbi dahil bagay daw sa young actress ang role na ginampanan niya,  bilang si Isabel.

Si Joel Lamangan ang director ng Pamilya Roces at mapapanood na ito simula ngayong gabi, October 8, after ng Onanay sa GMA 7.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s