Direk Chito, hindi inaasahan na ang ‘Signal Rock’ ang magiging entry ng Pilipinas sa Oscars

Ni:  Ricky Calderon

HINDI inaasahan ni Direk Chito S. Rono na ang Signal Rock ang mapipili maging entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language film sa Oscars.    Noong una niyang malaman ang balita ay hindi agad siya naniniwala. Naghintay muna raw siya confirmation before nag-sink in sa kanya.

Nakausap namin si Direk Chito sa send-off party hosted by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa mga Pinoy movies tampok sa Busan International Film Festival.

CHITO-RONO

Sabi ni Direk Chito, hindi raw niya alam how they are going to launch a campaign para maging matunog ang Signal Rock sa mga jurors ng Oscar.

Pero happy siya na napili ang Signal Rock, which is a small film kumpara sa ibang pelikula na nag-aambisyon na maging entry din bilang Best Foreign Language film.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ang isang movie na ginawa ni Direk Chito ay napiling entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film. Para kay Direk Chito, malaking bagay for him that Signal Rock was chosen as Philippine entry.

Pero ibang usapan pa rin kung paano ito maso-shortlist. Never pang nakapasok ang Pilipinas sa kategoryang ito mula nang tayo ay magpadala ng entry.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s