Rocco, sensitive ‘pag natatanong tungkol kay Sanya; happy na sa piling ng girlfriend na si Melissa

Ni: Rose Garcia

FEELING namin naging konting sensitive si Rocco Nacino nang tanungin namin tungkol sa kinahinatnan ng loveteam nila ni Sanya Lopez.

Kung hindi ba ito nanghinayang na nawala na dahil nakabuo na rin sila ng followings o mga supporters.

Sa kanilang dalawa, siya ang mas nabi-blame ng mga fan dahil na rin sa siya ang may ipinapakilalang girlfriend.

“Hindi naman maiiwasan yun,” saad niya.

“Feeling ko, iilan lang naman silang ganyan, hindi naman lahat.  A lof people are happy. I mean, there are more happy people than angry people.”

rocco sanya

Okay naman daw sila ni Sanya at nagkakasama rin sa mga workshops.

Bukod sa iba raw ang priority niya noong magka-loveteam sila ni Sanya, sinisimulan na rin niyang ipagawa ang dream house niya kaya dun daw talaga ang focus niya bukod sa tingin niya, magkaiba sila ng personalidad.

Sabi ni Rocco, “Masasabi ko sigurong iba rin ang likes and dislikes namin. Iba ang wavelength, personality. Pero sa work, we’re perfect. Okay kami sa TV.”

Happy si Rocco sa one year girlfriend na si Melissa Gohing ngayon at tingin nga namin, mas passionate pa ngayon si Rocco sa relationship nila kung ikukumpara namin ang mga past relationshiops niya na very open din naman siya at in-love.

“Mas smart na, mas mature,” sabi niya.

“Mas alam ko na mga ginagawa ko. Hindi na ko bulag-bulagan. Alam mo yung time sa buhay natin na bulag tayo dahil in-love tayo.”

Aminado itong dati, bulag-bulagan daw siya sa mga nagagawa niya.

rocco melissa

Anyway, simula naman sa Lunes, October 8 ay mapapanood ang Kapuso actor sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Pamilya Roces kunsaan, first time nilang magkakapareha ni Carla Abellana.

Mag-asawa ang roles nila rito at ibang-iba raw ang role niya rito na married sa isang successful and careeer-driven woman habang siya tila mas inferior rito at magkakaroon ng affair sa character ni Sophie Albert.

Dahil hindi naman heavy drama ang Pamilya Roces, kailangang maipakita rin ni Rocco ang light/funny side ng character niya na para sa kanya isa sa nakakapagpa-challenge sa kanya ngayon bilang actor.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s