Jasmine, itinangging nag-back out sa ‘Victor Magtanggol’ dahil ‘di in-offer; sobrang happy sa ‘Pamilya Roces’

Ni:  Rohn Romulo

AMINADO si Jasmine Curtis-Smith na overwhelmed siya nang malaman na kasama siya sa bonggang teleserye ng GMA-7 na Pamilya Roces na unang show niya bilang Kapuso.

“I was overwhelmed siyempre, kasi it’s such a huge cast, that means a lot of people na kailangan mong makilala, kailangan mong pakisamahan sa work, so… socially kasi na-o-overwhelm ako, may anxiety ako sa social gatherings, kapag hindi siya work, so nung hindi pa kami nagte-taping parang may hiya pa kong makipag-usap, makipag-mingle.

“But at the end of it, now that we’re taping, we’re relaxed, everyone can throw jokes na walang parang second guessing kasi kumportable sila sa isa’t-isa.

“So, mas naging madali rin sa akin ‘yung transition na maging kumbaga maramdaman ko na Kapuso ako when I’m on the set. So, happy, happy and very, very ano, excited to see kung anong kalalabasan nung story namin, kasi trailers nakita ko na, and just from the script itself, na-e-enjoy ko ‘yung story niya.”

JASMINE CURTIS-SMITH 1.jpg

Bukod kay Jasmine (as Pearl Pineda) ay nasa Pamilya Roces sina Carla Abellana (as Crystal Roces), Rocco Nacino (as Hugo Javellana), Christian Bautista (as Ralph Gomez), Gabbi Garcia (as Jade Roces) at ang mga bagong Kapuso na sina Sophie Albert (as Amber Bolocboc), Shaira Diaz (as Amethyst Roces) at Manolo Pedrosa (Gil Figueroa).

Sa direksyon ni Joel Lamangan, mapapanod ito sa GMA simula October 8.

Samantala, hindi totoo na na nag-backout si Jasmine sa Victor Magtanggol dahil hindi niya kinaya ang mga pamba-bash na sinasabing fans ng AlDub na tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza?

“Ay hindi! Dyusko! Pamba-bash ba ang pag-uusapan natin? Ilang love teams na ang pinagdaanan ko sa bashing! Kayang-kaya ko na ‘yan,” tugon niya.

Ang totoo nga ay hindi in-offer sa kanya ang Victor Magtanggol.

Nakatikim na rin siya ng pamba-bash nang siya ang gumanap na ka-love triangle nina Alden at Maine sa pelikulang Imagine You & Me noong 2016.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s