Regine, nakatikim nang pamba-bash sa paglipat sa ABS-CBN; nag-follow na sa IG account ni Charo

Ni: Rose Garcia

HANGGANG ngayon ay wala pa rin formal announcement kay Regine Velasquez kung mananatili pa ba itong Kapuso o susunod na sa kanyang Mister na si Ogie Alcasid sa pagiging isang Kapamilya.

Ang siste, halos lahat tuloy ng galaw niya ay nabibigyan ng kulay.

Ang ending spiel niya sa final ng The Clash na sinabi niyang “See you again next year” so it means daw, Kapuso pa rin ito. Pero, actually, puwedeng binasa lang naman ni Regine ang nasa script.

At ang recent na after ng ABS-CBN ball ay nag-follow na raw si Regine sa Instagram account ng dating ABS-CBN President na si Ms. Charo Santos-Concio.

Wala pa man announcement, coming from some reliable sources, diumano’y tuloy na nga raw ang paglipat nito.

Regine-ogie

Pero wala pa man, grabe na rin ang mga nababasa naming comments ng netizen. May mga namba-bash na kay Asia’s Songbird dahil hindi nila gusto na lilipat pa ng network. Na hindi na raw nakuntento to think na binibigay naman ng GMA ang lahat.

Pero in fairness, ang dami rin naman na nagtatanggol sa kanya at nagsasabing dapat intindihin ito na for 20 years, naging loyal Kapuso naman at natural lang daw na sundan nito si Ogie dahil asawa nga.

Sa pinost naman naming interview namin kay Julie Anne San Jose sa You Tube kunsaan ay nagbigay ito ng reaksiyon sa transfer rumor nga ni Regine, pinuputakte rin ng mga comments. May nangba-bash at meron namang nagsasabing hayaan na lang sa kung ano ang desisyon nito.

Charo-Santos-Concio-absball

Personally, we feel na sa stature ni Regine sa career niya, hindi na ito madidiktahan kung ano ang dapat gawin. Wala na rin naman siyang dapat pang patunayan. So kung saan man niya gustong magpatuloy, let her be.

And for sure, kung matuloy man ang paglipat ni Regine ng network, hindi mababalewala ang 20 years niya bilang isang Kapuso. Markado na sa career ni Regine ang pagiging Kapuso niya ng dalawang dekada.

And knowing Regine, sigurado rin na hindi niya makakalimutan ang GMA-7 na talaga namang naging mabuti at mapagbigay rin sa bawat pinagdaanan niya mapa-personal o propesyonal man.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s