Rayver at Janine, wala pa ring inaamin sa kanilang relasyon at imposibleng magkasama sa teleserye

Ni: Nora V. Calderon

NAG-CELEBRATE ng kanyang birthday si Janine Gutierrez last October 2.        May taping siya ng action-drama-fantasy series nila ni Alden Richards na Victor Magtanggol last Monday, October 1. Maaga siyang na-pack-up kaya mas maaga siyang nakauwi.       Nagulat siya nang pagdating sa kanyang condominium unit, may surprise palang birthday salubong sa kanya ang mga kapatid na sina Jessica, Diego, Maxine at siyempre ang kanyang mommy, si Lotlot de Leon.

Pero may special guest na sumalubong din sa birthday ni Janine, ang nali-link sa kanyang si Rayver Cruz.  Naku, wala pa rin daw pag-amin ang dalawa sabi ng katotong Rommel Gonzales na malapit sa pamilya Gutierrez.

rayver-janine

Basta special at closed friends daw lamang silang dalawa.  At least ngayon ay nakikita nang may picture silang magkasama hindi tulad noon na laging wala kang makikitang post sa Instagram kahit alam naman na magkasama sila sa ilang okasyon.       Kaya lamang malabong matupad ang wish ng mga fans nilang dalawa, dahil si Janine ay may Victor Magtanggol na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Si Rayver naman, in three weeks time, mapapanood na nga sa afternoon prime drama na Asawa Ko, Karibal Ko pagkatapos ng Ika-5 Utos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s