Alden, pupuwede nang mag-asawa dahil stable na kahit ‘di mag-artista

ni: Rose Garcia

WALANG kapaguran ang bida ng GMA7’s primetime series na Victor Magtanggol na si Alden Richards. Kahit na natapos na ang sold-out concert niya na Adrenaline Rush, hindi pa rin pala lumuwag ang schedules ng actor.

Noong Martes lang, pagkagaling sa Eat Bulaga ay dumiretso na ito ng Binan hindi para umuwi sa bahay kung hindi para mag-shoot ng bagong pakulo ng ine-endorso niyang Cookie’s Peanut Butter.

Ilang episodes ang shinoot ni Alden sa mismong bahay ng mga Yatco na may ari ng Cookie’s Peanut Butter para sa lalabas na webisodes kunsaan, mapapanood si Alden na nagluluto at ipapakita kung paano, ang Cookie’s ay puwedeng isahog sa lutuin, hindi lamang bilang palaman sa tinapay.

alden-cookie1

Sa online ito mapapanood kaya as early as now, naa-anticipate na namin kung gaano karaming views ang aabutin nito. Eh, nag-post pa nga lang kami ng ilang segundong kuha namin habang nagluluto siya ng kare-kare, grabe na ang anticipation ng mga fan na mapanood na ito.

Sa totoong buhay, nagluluto raw siya pero, matagal na raw na hindi dahil given na nga ang pagiging sobrang busy niya. Pero ang sigurado raw, mahilig siyang kumain.

Sey niya, “Kaya nga po ako nag-open ng restaurant kasi malaking parte ng buhay ko ang pagkain. Kasi, maraming binibigay sa aking kaligayahan ‘yan.”

 

Napansin namin na love na love si Alden ng mag-asawang Yatco. Pero mukhang halos lahat naman ng ine-endorse niya ay ganun sa kanya. Lalo na kung gaano siya ka-effective na endorser.

Sa Cookie’s Peanut Butter na lang na ilang buwan lang ang nakalilipas nang i-launch, heto’t isa na sa best-selling peanut butter sa bansa. Inalam talaga namin sa mga Yatco ang lagay ng produkto nila sa market since na ni-launched ito.

Eh, halos lahat ng leading supermarkets ay mabibili na pala ito at may mga tumatawag sa kanila para i-tap ng ibang supermakets din.

alden-cookie2

 

Proud din si Alden na nagkuwento na for export na nga raw.

Aniya, “Sa akin lang po, especially for Mr. & Mrs. Yatco, ngayon lang sila kumuha ng endorser at ngayon lang sila nagkaroon ng brand. Ganun naman po kasi ako. Hindi porke’t kinuha akong endorser e, gagawin ko lang ang tungkulin ko as endorser.

“And since bago sila, nagsi-share rin ako ng knowledge sa sales talk. Parang tulong ko na rin po sa kanila. At yun nga po, for export na sila. Meron na po sa Canada.”

Dahil into business na talaga si Alden, open naman daw siya kung sakali at isasali siya sa business side nito. Pero umaliwalas ang mukha ni Alden nang kamustahin namin ang mga planong na-mention niya at the start of the year pa lang sa mga planong itayong negosyo.

Yun pala, may ikatlong branch na ang Concha’s niya (Tomas Morato, Tagaytay at Silang, Cavite) at may bubuksan din daw siyang isa pang panibagong big business venture early next year pero ayaw pa lang daw niyang i-reveal kung ano ito.

Sabi namin kay Alden, masasabi na niyang very stable na siya kahit na hindi dumepende sa showbiz?

“Parang masasabi ko naman po,” nakangiting pag-amin niya.

Puwede na siyang mag-asawa?

Parang puwede na po! Ha ha ha!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s