John Lloyd, may ginawang tula na para sa sinasabing anak nila ni Ellen na si ‘Elias’

Ni: Rose Garcia

HAND-WRITTEN at malalalim na Tagalog words ang ginamit sa  ginawang tula ni John Lloyd Cruz noong October 1, 2018 at may titulong Mga Ibon.

Ipinagpapalagay na ang tulang yun ay para sa anak nila ni Ellen Adarna. Tila ramdam na ramdam namin ang pagmamahal ni John Lloyd sa anak.

View this post on Instagram

Para kay Elias.

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on

Nakasaad sa tula ang;

“Mangmang pagdating sa’yo

“Sa iisang tunog mong taglay

“Sa kaaya-ayang sorpresa ng paglapit mo

“Sa imahe ng kalayaan na tiyak na iwinawaksi mo

“Sa perpektong hubong ng iyong galaw

“Sa lupa

“Sa ere

“Sa tubig

“Sa ‘yong talentong alingawngaw ng isang ina

“Sa ‘yong malabalong papel sa ating nakaratay na sistema

“Ako’y mangmang pagdating sa’yo

“Ang paulit-ulit mong huni and kalinga sa aking mapag-isang katahimikan.”

Bukod sa title at date, nakalagay din sa ibaba ang mga katagang “Para kay Elias.”

Diumano, Elias ang pangalan ng anak nina Lloydie at Ellen Adarna.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s