Gabbi, gustong protektahan kung ano mang meron sila ni Khalil

Ni: Rose Garcia

NAKAKAHINAYANG naman talaga kapag may loveteam, lalo na bukod sa maraming supporters ay ang lakas ng chemistry pero mauuwi rin sa wala.

Isa na rito ang nabuong loveteam nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid na “GabRu.”

Obviously, their last serye na Sherlock Jr. kunsaan natsugi pa si Gabbi ang last na nila. Both are having their respective careers na individually.

khalil-gabbi

Sa part ni Gabbi, ewan pero naramdaman namin sa kanya nung kausap namin siya sa set visit ng Pamilya Roces na masaya ito sa mga bagong ganap niya. Na after ilang years, mararanasan naman niya na may ibang kapareha.

Sey nga niya, ”Kasi sa buong three or four years ko, I’ve only been working with Ruru. Ngayon, may chance ako to work with anybody.”

So far, hindi pa raw nila alam ang itatakbo ng kuwento ng light drama na Pamilya Roces in-terms of love angle. Pero sa kuwento, tila sila nina Jasmine Curtis-Smith at Manolo Pedrosa ang magiging love triangle.

gabbi & manolo

Sey ni Gabbi, naaaliw raw siya kay Manolo dahil look test pa lang, relax na sila at sobrang sipag daw nito.

With regards to Khalil Ramos, kung anuman meron sa kanila, gusto raw niyang protektahan.

“I mean, I don’t deny completely, parang ang showbiz naman. Pero with this one I just want to be low key.”

Sa Lunes, October 8 na simulang mapapanood ang Pamilya Roces.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s