Ejay, umaming may mga humihikayat pero hindi pa siya tatakbo

Ni: Rose Garcia

MARAMI ang naghihinala na baka kumandidato si Ejay Falcon sa kanilang bayan sa Mindoro dahil noon pa ay aktibo ang aktibo ang aktor sa pag-o-organize ng sports activities doon taon-taon tulad ng basketball.

“Sa 10 years ko sa showbiz, siguro, 8 years doon ay nagpapaliga na ako sa lugar namin. Alam ng lahat ‘yan doon, every December 25 to New Year, may ganu’n talaga.

“Pero hindi po ako tatakbo. Kokonti pa ang kaalaman ko pagdating sa ganyan. So, hindi ko siya iniisip ngayon.”

Kahit in the future, hindi pa raw niya masasagot kung papasukin niya ang pulitika.

“Mahirap kasing sumagot ng ano, eh, pero ako kasi, hangga’t okay naman ang showbiz career ko, dito po muna ako and marami pang kailangang ayusin kung dumating ang time na ‘yan.

“Kailangan kong mag-aral kasi ayoko namang sasabak ako do’n na ang kaalaman ko, eh pag-arte at bilang aktor. Ibang larangan ito, so kailangan kong mag-aral kung papasukin ko ‘yan.”

ejay-falcon-jana-roxas

Totoo naman daw na marami ang humihikayat dito na tumakbo.

Pero sey niya, “28 po ako ngayon, nasa ano ako na mahal na mahal ko ang pagiging aktor ko. So, dito muna ako. Ang hirap pagsabay-sabayin. Dito muna ako kasi marami pa akong kailangang matutunan sa pagiging artista ko.

Kung ang politika ay wala sa kanyang plano, ang pagse-settle down ba ay sumasagi na sa isip niya?

“Kung kaylan ko maramdaman. Pero ako kasi, pinaplano ko talaga ‘yung aking kinabukasan. Ang aking future, eh pinaplano ko talaga at alam ko at the end of the day, ang pinakamasayang nangyayari sa buhay ng tao ay successful ‘yung buhay-pamilya mo.

“So, nandu’n pa rin ako, ‘yun pa rin ang paniniwala ko na kahit anon’g success ang makuha mo sa buhay, iba pa rin ‘yung mayroon kang asawa’t anak.

“Pero siyempre ngayon, nandito pa ako sa nagtatrabaho ako. Hindi naman ako nagmamadali pero at the same time, naiisip ko rin siya at pinaplano ko na what if maramdaman ko na ‘yun.”

Nag-e-enjoy sa ngayong mag-travel sina Ejay at Jana Roxas. After ng Hong Kong nila, magbabakasyon naman sila sa America by November.

Ang Korean drama na kunsaan ay mapapanood si Ejay sa fourth episode ay nagsimula ng umere noong October 1 sa SBS.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s