Successful 40th anniversary concert ni Sharon posibleng magkaroon ng repeat

Ni: Ricky Calderon

SUCCESSFUL ang 40th anniversary concert ni Megastar Sharon Cuneta na ginanap sa Araneta Coliseum last Friday, September 28.

Mali ang chikang nakarating sa amin na mahina ang benta ng tiket dahil puno ang venue, lalo na ‘yung patron seats which costs P10k each.

May narinig kasi kaming chika na mahina raw ang benta ng ticket pero the day before the concert ay may posting na sa Facebook na officially sold out na ang concert ng Megastar.

sharon chard

Of course, we were praying for the concert to be successful and for Sharon to be fit and well to do the biggest concert o her career.

Ang show of force ng mga fans ni Sharon proved that the megastar is loved and adored.

Sadyang itinago sa mga tao kung sino ang mga guests ni Sharon that pero naisulat namin na dadalo sina Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Gary Valenciano, Kuh Ledesma at Basil Valdez.

Surprise ang pagdalo ni Ms. Regine Velasquez who did two songs with Sharon.

sharonregine-40th

Na-touch rin kami sa gesture ni Diamond Star Maricel Soriano who dropped by the dressing of Sharon kaya gulat na gulat ang Megastar. Kitang-kita sa litrato ang pagkagulat ni Sharon. Nagkayap ang dalawa at nagpakuha pa ng larawan.

Kaya mga marami ang nagsabi na it’s about time na gumawa ng pelikula sina Maricel at Sharon.

The concert was a veritable trip down memory lane. We are sure na maraming fans ni Sharon ang naiyak sa concert. Maganda rin ang mga VTR na ginamit sa concert dahil ang sinabi ni Sharon sa mga VTR ay never pa niya na-reveal sa mga interviews sa kanya.

sharon c40th.png

Ang pagdating ni Richard Gomez at pag-awit nila ni Sharon drew the biggest applause. Obvious sa reaction ng mga fans ang kilig nila sa muling pagkikita nina Goma at Shawie sa concert stage.

Grabe ang lakas ng tilian ng mga fans kaya gusto namin isipin na magiging blockbuster ang latest movie na ginagawa nilang dalawa for Star Cinema, kung saan tampok din si Kathryn Bernardo.

Marami pa raw hindi nakapanood kaya may nagtatanong kung magkakaroon ba ng repeat ang concert.  As of this writing ay wala pang baliuta kung magkakaroon ng repeat ang concert.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s