Golden Canedo ng Cebu, tinanghal na The Clash Grand Champion; Regine, nagpasalamat na sa GMA-7

Ni: Nora V. Calderon

ANG 16-year old na si Golden Canedo from Cebu ang tinanghal na first “The Clash Grand Champion.”

Ang The Clash intense singing battle ng GMA Network na yata ang show na ang daming twists. Last Saturday, September 29, may top six clashers, pero tinanggal pa ang isa sa kanila para maging Final 5 Clashers.    Nang maglaban naman ang Final 5 Clashers, pinili pa ang dalawang top clashers at naglaban sila.  Sina Golden at Jong Madaliday ang naglaban sa top post.  At si Golden nga ang siyang nanalo.

Golden & Trophy.jpg

May pasabog pa si The Clash Master Regine Velasquez-Alcasid na may special prize ang nanalong “2018 Most Loved Clasher” na pinanalunan ni Esterlina Olmedo ang tinaguriang “Tiger ng Cebu” at tumanggap siya ng One Hundred Thousand Pesos.      Sumunod na pasabog ni Regine, ang apat sa Final 5 clashers ay tumanggap din ng One Hundred Thousand Pesos each, sina Mirriam Manalo, Garrett Bolden, Josh Adornado at si Jong.

Inamin ng The Clash Judge Panel Christian Bautista, Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha na nahirapan sila talagang piliin ang bawat nanalo dahil lahat sila ay nagpakita ng kani-kaniyang husay sa pagkanta.

Kahit si Regine, nahirapang basahin ang nanalong grand champion.  Si Golden ay tumanggap ng one year management contract from GMA Network, presented by Ms. Lilybeth Rasonable, the Senior Vice-President for GMA Entertainment, a brand new car, a Bria house and lot na presented by Senator Cynthia Villar of Camella Homes at One Million Pesos cash prize.  Bale inabot ng more than four million pesos ang prizes na natanggap ni Golden.

regine v

Nag-announce si Regine na parang celebration, magkakaroon ng The Clash of 2018 Concert na mapapanood sa Sunday, October 7, after ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

At para sa Final 5 Clashers, kasama na sila sa bagong musical show ng GMA, ang Studio 7, na magsisimula nang mapanood sa October 14, same time sa GMA 7.

In-announce din ni Regine ang pagkakaroon ng The Clash next year.

Ang tanong sa Twitter, si Regine pa raw ba ang magiging Clash Master ng The Clash 2019?  Maliban sa sinabi ni Regine na “maraming salamat sa GMA sa pagbibigay sa akin ng show na ito,” wala na siyang binanggit pang iba.        Nagsalita kaya si Regine bago siya umalis para sa US concert tour niya last Monday evening,  if true na pagbalik niya after 15 days, diretso na siya sa ABS-CBN?

golden-the clash

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s