Derrick at Sanya, very professional at walang kiyeme sa love scenes; puring-puri ni Direk Connie

Ni: Ricky Calderon

SABI ni Direk Connie S.A. Macatuno ay meant para sa isang millennial na tulad niya ang bagong movie niya Wild and Free.

Gusto rin niya ipakita kung paano idirek ng isang babaeng director ang sexy scenes na ang bida ay babae.

“Siyempre iba ang atake ng lalaking director sa artista niyang babae. In the same way na iba rin ang atake ng isang gay na director pag sa lead actor ng movie niya. Kaya ako, iba rin ang atake ko in tackling a sexy scene involving a woman na tulad ko,” wika ng direktor.

sanya derrick1.jpg

Puring-puri ni Direk Connie sina Derrick Monasterio at Sanya Lopez. Very professional ang dalawa at kuhang-kuha raw ng mga ito ang vision na gusto niya for Wild and Free.

“Hindi ako nahirapan sa pagdidirek sa kanilang dalawa dahil kapwa sila mahusay. Wala  rin silang kiyeme sa mga love scenes. Anuman ang ipagawa ko sa kanila, ginawa nila nang mahusay,” wika pa ng lady director.

Sabi pa ni Direk Connie na kakaibang movie ito pero tiyak daw na magugustuhan ng mga millennials.

Showing na ang Wild and Free sa October 10.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s