Veteran American comedian na si Bill Cosby, sampung taong makukulong dahil sa ‘sexual assault’

Ni: Ruel Mendoza

NASENTENSYAHAN ng sampung taong pagkakakulong ang 81-year old veteran American comedian na si Bill Cosby para sa salang sexual assault.

Pagkatapos na matawag siya bilang isang “sexually violent predator” ng judge ng Norristown, Pennsylvania, pinosasan ang komedyante at dinala na sa kanyang magiging selda.

Ang tinaguriang “America’s Dad” dahil sa kanyang ’80s hit sitcom na The Cosby Show, was found guilty noong April 2018 of “three counts of aggravated indecent assault for the drugging and sexual assault” sa kanyang one-time friend ma si Andrea Constand, na isang former Temple University administrator noong 2004.

Si Cosby ang unang celebrity na na-convict for sexual abuse noong magsimula ang #MeToo movement.

Ilang male celebrities na ang napatanggal sa kanilang posisyon dahil sa kanilang pag-abuso sa mga kababaihan. Kabilang na rito ang studio executive na si Harvey Weinstein, ang CBS CEO na si Les Moonves, ang NBC Today host na si Matt Lauer, ang television journalist na si Charlie Rose, ang celebrity chef na si Mario Batalli at ang comedian and TV producer na si Louis C.K.

Tatlong taong na magse-serve ng kanyang sentence si Cosby sa Pennsylvania prison bago siya maging eligible for supervised release.

Denied ang request for bail ni Cosby ng Montgomery County Court of Common Pleas Judge Steven O’Neill.

Kinuyog ng mga reporters ang isa pang biktima ni Cosby na si Chelan Lasha na sa wakas ay nakamit ang hustisya nang pagdroga at paghalay sa kanya noon ni Cosby.
“I wanted 30 years, but I’m very happy to know Mr. Cosby will do time in prison,” ngiti pa ni Chelan.

Pinagmulta pa ng judge si Cosby ng $25,000 and ordered him to pay the costs of the prosecution.

“Equal justice under the law does not allow different treatment because of who he is or who he was,” sey pa ni Judge O’Neill.

Pagkatapos ng sentencing kay Cosby, naglabas ng statement ang spokesman nito na si Andrew Wyatt saying na ang naganap na trial kay Cosby ay “the most racist and sexist trial in the history of the United States.”

Under Pennsylvania Law, dadaan si Cosby sa monthly counseling at kailangan siyang mag-register bilang isang sex offender with police habang nabubuhay siya.

Magiging aware ang kanyang neighborhood, pati na ang mga schools, kung saan siya nakatira at ang kanyang mga ginagawa.

Higit na 50 women ang nag-akusa kay Cosby ng sexual abuse simula pa noong ’80s. Ang kaso ni Constand ang siyang nag-iisang case na nakalusot at nagbigay ng sentensya sa comedian.

“Bill Cosby took my beautiful, healthy young spirit and crushed it,” pahayag ni Constand sa media.

Cosby will be one of 86 inmates over age 80 held by Pennsylvania’s Department of Corrections, where the two oldest inmates are both 91.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s