Maine, puring-puri ni Vic na isa naka-witness noong nagsisimula pa lang

Ni:  Rose Garcia

PARANG ang daming bago sa pagbabalik sitcom ni Vic Sotto. 

Ang huli pa niyang ginawang sitcom ay ang Hay Bahay at talagang nagpahinga muna raw siya kaya ngayon lang ulit gumagawa, ang Daddy’s Gurl na mapapanood na once-a-week sa GMA-7 ngayong October.

Ilan sa mga bagong aabangan, ang pagganap nila ni Maine Mendoza bilang mag-ama sa telebisyon.  Sa pelikula kasi, madalas na natin silang mapanood na mag-tatay.

Kaya biro nga ni Vic nang makausap namin sa pagiging mag-ama nilang palagi, “Naka-kontrata na, nagkapirmahan na kami ni Maine.”

First time rin daw na hindi sa studio ang location ng taping. In fact, katulad na lang mga characters nila na mga Batangueño, sa Batangas daw ang location nila, minsan naman sa Manila.

“Isa yun kasi, kung mapapansin niyo, halos lahat ng sitcom ko in the past, puro ko studio.  Pero ngayon, sa labas kami.  Mas malaki ang budget at the same time, yung process ng paggawa namin dito, parang pelikula rin talaga ang ginagawa namin.”

maine-mendoza-vic-sotto.jpg

Hindi nakapagtataka dahil first time naman ng director ng Daddy’s Gurl na si Direk Chris Martinez na magdidirek sa telebisyon.  Base sa mga pahayag ni Vic, walang-duda na bilib talaga ito sa director at the same time, head writer rin nila.

Puring-puri rin ni Vic si Maine na isa sa mga naka-witness mula sa simula nga naman ni Maine na ang tanging pasaporte nang mag-audition sa Eat Bulaga ay magaling siyang mag-dubsmash.

Nakita raw niya kung paano noon, hindi pa talaga ine-embrace ni Maine ang mundong pinasok kahit na naging instant Superstar ito.

Ngayon daw, ibang Maine na ang nakikita niya. Nakikita raw niyang nag-e-njoy na ito sa ginagawa.

“At sa comedy talagang, mahusay. May timing sa pagbitiw ng punchline. Makikita niyo rin yun dito sa sitcom namin.”

Bukod kina Vic at Maine, kasama rin sa Daddy’s Gurl sina Oyo Sotto, Benjie Paras at Wally Bayola.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s