IG posts ni Heart, nagiging big deal at pinagtatalunan ng mga bashers

ni: Ruel Mendoza

KAHIT anong i-post ni Heart Evangelista-Escudero sa kanyang social media account na Instagram ay nagiging big deal at pinagdedebatehan ng mga bashers at mga defenders ng aktres.

Kelan lang ay pinost ni Heart ang mga paborito niyang isuot na mga alahas. Luxury brand ito na Gas Bijoux.

“One of my favorite jewelry brands that I’ve been wearing for 2 years now is collaborating with my favorite shopper. It’s a match made in heaven! Honored to be the first to wear this. 💚 @gasbijoux, @euroluxeperience 😘caption pa ni Heart.

Pero hindi nga puwedeng ma-please ni Heart ang maraming netizen at meron pa ring basher na magbibigay ng opinyon niya.

Tulad na lang ng netizen na si @iamissaira  na nag-comment na hindi niya type ang style ni Heart.

“Hindi na mukhang classy sa sobrang dami.. Na over na tuloy xa!” comment pa nito.

Simple lang naman ang sinagot ni Heart sa kanya na, “that’s my style:)”

Marami ang dumepensa sa fashion statement ni Heart at kinuyog nila ang netizen na mukhang wala naman daw alam sa kung ano ang in sa fashion ngayon.

“thats beautiful and style. Thats actually in this days.. @iamissaira if you know fashion and style then you will appreciate it. You can go to shops thats sells accessories.. You can find those designs. . Btw. Forever 21, iconic… This are common brands.. But you will find this style… :)”

“Wow amazing! I like the style😊”

“Totoong tao si heart…kahit hindi pa kita nakikita..i love ur style..”

“Its ok nman to wear those…nice for me and that is the trend.

“Seeing all these jewelries you wear makes me want to check out their collection 🙂 Stunning pieces.

“That’s your opinion. but IMHO, anything that @iamhearte wears always looks classy 🤷🏻♀️💁‍♀️❤️💃🏻

“She carries it well..pag sa iba yan cheapo na tingnan..,”

Ang pagiging fashionista ni Heart ay naging usap-usapan sa nakaraang New York Fashion Week.

Napili isa sa best dressed si Heart ng Elle magazine sa Harper’s Bazzar ICONS Party.

Isa rin si Heart sa napiling “favorite faces” sa mga um-attend sa Kate Spade New York Fashion Show.

Kasalukuyang nasa Italy si Heart para um-attend sa Milan Fashion Week.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s