Gabbi, totoong nanigas sa first taping day ng ‘Pamilya Roces’

Ni: Nora V. Calderon

TOTOO palang nanigas si Gabbi Garcia sa first taping day niya ng kanilang primetime dramedy na Pamilya Roces na dinidirek ni Joel Lamangan.

“Opo, first time nangyari iyon sa akin,” sagot ni Gabbi.

“Siguro po, inunahan ako ng takot nang malaman kong si Direk Joel ang magha-handle sa amin, nagtanong-tanong na ako sa mga kakilala ko. First time ko kasi siyang magiging director at nababalitaan ko nang very strict niya pagdating sa trabaho.

“Sabi nila, hindi raw dapat mali-late sa set, iyon ang hate-na-hate niya, dapat memorized mo na rin ang lines mo at ready ka na sa pagsisimula ng eksena. Maaga naman po akong dumating sa set at ready na akong mag-shoot, pero naunahan nga po ako ng takot nab aka magkamali ako at parang nanigas na ako.

“But thank God, wala namang nangyari sa kinatatakutan ko, pagtawag sa akin ni Direk Joel at pagbibigay ng instructions, ready na ako. Maayos naman akong nakaraos that first taping day, at sa mga sumunod na araw, okey na ako.

“Lagi po lamang kaming naghihintay sa tent kapag kailangan na kami. At nakakatuwa, dahil dami namin sa cast, may time kaming magpahinga kung hindi pa kami ang kukunan ng eksena.”

Ang Pamilya Roces ay mapapanood na simula sa October 8, after ng Onanay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s