Rhian, in-expect na mali-link dahil hiwalay na sina Jolo at Jodi

Ni:  Rohn Romulo

EXPECTED na ni Rhian Ramos mali-link siya Jolo Revilla na kung siya ang napiling leading lady sa 72 Hours ng trilogy action-thriller film na Tres ng Imus Productions at Star Cinema.

Lalo pa nga’t balitang nag-break na sina Jolo at Jodi Sta. Maria.

Pahayag ni Rhian nang matanong sa grand mediacon ng movie na palabas na sa October 3, “in-expect ko naman na matsisismis ako kay Jolo, hindi na naman ako nagulat.

“Part na siya ng trabaho namin.  Nu’ng nabalitaan ko nga na single na si Jolo, sabi ko, ‘Ay, naku, eto na ‘yun! Marami nang magsasabi na may kinalaman ako.’

“Pero ayun, parang part lang siya, di ba?”

tres-72hours

At dahil nga naghiwalay sina Jolo at Jodi, marami tuloy ang nag-isip na baka siya ang third party, bagay na binigyan linaw ni Jolo.

“Huwag na nating lagyan ng kulay.  We’re good friends pero hindi n’yo rin naman masisisi, maganda siya, mabait.  Sino ba naman ang hindi magkakagusto sas kanya, di ba?

“Napaka-plastic ko naman pag sinabong hindi siya maganda, hindi siya hot.  Pero siyempre, sa bawat mga pinagdaraanan namin sa buhay, mas magandang dahan-dahan natin.

“Huwag nating mamadaliain kung anuman, di ba?  Dahil siyempre, ako, kakahiwalay lang.  Siguro, hindi naman imposible,” mahabang pahayag pa ni Jolo na kasama ang dalawang kapatid na Tres.

Bida si Luigi Revilla sa ‘Amats’ at ka-partner niya si Assunta de Rossi at si Bryan naman sa ‘Virgo’ na kung saan ang leading lady niya ay si Myrtle Sarrosa, mula ito sa direksyon nina Don Don Santos at Richard Somes.

Kasama rin sa Tres sina Albert Martinez, Dominique Roque, Tirso Cruz III, Benj Manalo, Lani Mercado, Phillip Salvador, Lovi Poe,  Markki Stroem, Alex Castro, Carla Humphries, Paolo Paraiso, Mon Confiado at marami pang iba.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s