Sanya, tahasang sinasabi na ibibigay lang ang virginity ‘pag naikasal na

Ni: Rose Garcia

SA kabila ng pagiging NBSB (No Boyfriend Since Birth) ni Sanya Lopez, napapayag si Sanya sa mga passionate at very daring scene nila ni Derrick Monasterio sa pelikulang Wild and Free ng Regal Films na ipalalabas na sa October 10.

Hindi naman daw nagdalawang-isip si Sanya na gawin ang movie kahit may daring love scene siya sa kotse at sa washing machine kay Derrick at kahit na sinasabi niyang NBSB at virgin pa siya.

SANYA1

Katwiran ni Sanya, iba naman daw kasi ito, trabaho naman daw at yun ang nire-require ng role. Pero halatang apprehensive pa si Sanya nang tanungin namin kung simula na ang Wild & Free ng pagiging daring niya and after this, mas matindi pa ang puwede niyang gawin.

Aniya, “Hindi ko po masasagot. Ako po kasi, sa material pa rin.”

Tahasan din sinasabi ni Sanya na kung ibibigay niya ang virginity niya, gusto raw niya ay after pa na maikasal siya.

“Marami pa akong gustong gawin. And if ever man na mangyari sa akin yun, gusto ko after wedding pa. Hindi naman sa nagmamalinis po.”

Nagpapasalamat naman daw si Sanya na si Derrick ang leading man niya dahil napaka-gentleman daw nito sa kanya at kampante na raw sila sa isa’t-isa.

SANYA DERRICK 2

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s