Sam, aminadong nag-uusap pa sila ni Kiana pero walang chance na magkabalikan

Ni: Nora V. Calderon

PARE-PAREHO palang nakaranas ng heart break ang cast ng Para Sa Broken Hearted na sina Yassi Pressman, Louise delos Reyes, Shy Carlos, Marco Gumabao at Sam Concepcion. 

Pero ang mas nakaka-relate sa story ng movie na dinirek ni Digo Ricio, ay si Sam, dahil a week before the presscon lamang sila nag-break ng former girlfriend niyang si Kiana Valenciano.

Pero hindi ipinahalata ni Sam na broken hearted siya dahil ito ang sagot niya sa tanong kung broken hearted siya.

“It is a phase in life, and kung mangyayari ito dapat ay mag-move on aad at mag-focus sa ibang bagay.  Maikli lamang ang buhay at we have to enjoy every minute of it. Find another love and learn from experience.”

sam-kiana

Ang first showbiz girlfriend ni Sam ay ang actress na si Jasmine Curtis Smith.      Pero sa tanong kung wala na bang chance na magkabalikan sila ni Kiana?        Nag-uusap daw naman sila, pero parang wala nang chance ng balikan pero mas mabuti na maging friends na lamang sila.

Ang Para Sa Broken Hearted ay punum-puno ng ‘hugot lines’ na tiyak na makaka-relate ang mga millennials simula sa October 3 in cinemas nationwide.  May red carpet premiere night sila sa SM Megamall Cinema 7 sa October 2.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s