Mikael, ‘di pa iniisip at ayaw magpa-pressure sa planong pagpo-propose kay Megan

Ni: Ruel Mendoza

USO ang maging creative sa kanilang pag-propose ng mga lalake sa kanilang mga girlfriends.

May nagpo-propose sa tutok ng bundok, sa loob ng sinehan, sa gitna ng dagat at lugar na marami ang taong nakakasaksi.

Tinanong nga si Mikael Daez kung nakakaisip na ba siya ng sarili niyang gimik kung paano siya magpo-propose sa girlfriend niya for eight years na si Megan Young?

Sagot ni Mikael na hindi pa raw niya iniisip at ayaw niyang ma-pressure sa balak niyang pag-propose kay Megan.

meganandmikael2

Sa ngayon ay enjoy daw silang dalawa sa relasyon nila ngayon at sa mga mangyayari pa  lahat sa career at buhay nila.

“I am not thinking about that sa ngayon. Ayokong may pressure. Mas maganda yata ‘yung basta na lang siya mangyayari, ‘di ba?

“Nandoon ‘yung element of surprise kasi. Gusto kong makita ang pagkagulat ni Megan when I pop the question.

“Hindi naman maganda kung magkukuwento pa ako.

“But for now, wala pa ‘yan… It’s going to happen, but not soon,” ngiti pa ni Mikael.

Malapit na raw matapos ang teleserye na pinagsasamaha nila ni Megan na The Stepdaughters kaya naman naka-book na raw sila ng magiging next travel adventure nila sa bansang Iceland.

“Mga eight days lang kami roon. Pahinga na rin namin iyon ni Megan kasi we’ve been working sa teleserye for 10 months. It’s time na mag-relax naman kami.

“Marami pa kaming gustong puntahan ni Megan. Like ‘yung dream vacation ko sa Antartica, it has yet to happen.

“We enjoy traveling together and experiencing different cultures. Yun siguro ang isang dahilan bakit nagtagal kami for 8 years.

We just enjoy one another kapag kaming dalawa lang,” pagtatapos pa ni Mikael.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s