Dingdong, mas gustong tutukan ang pagbubuntis ni Marian kaya ‘di tuloy ang pagtakbo

Ni: Rose Garcia

HALOS puro papuri ang mga naririnig namin sa ginawang statement ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na una niyang pinost sa Facebook account.

Ang ganda raw ng pagkaka-construct ni Dingdong ng statement/announcement niya. May nagsabi pa na iba raw talaga kapag matalino at ismarte.

Dalawa nga ang naging announcement ni Dingdong, ang kumpirmasyon na hindi talaga siya tatakbo sa kahit anong posisyon sa election, maging ang maingay na balitang isa siya sa mga kandidato ng Liberal Party sa pagka-Senador.

At ang kumpirmasyon na buntis na nga ang misis niya, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa pangalawang anak nila at magiging Ate na ang panganay ka anak na si Zia.

Pahulaan naman ngayon kung ilang buwan na raw ang ipinagbubuntis ni Marian dahil hindi sinabi sa mga post nilang dalawa. Kung pagbabasehan daw kasi ang picture ng ultrasound ng baby, parang nasa 2nd trimester na ito.

Marami raw kasi ang nagtatanong at naghihintay ng sagot niya. Nagpasalamat din ito sa mga naniniwala at sumusuporta.

dantes fam

Ang pagbubuntis muli ni Marian, which is something they prayed for talaga ang naging sagot daw sa tamang desisyon na hinihingi niya kung papasukin na nga ba niya ang pulitika.

Part of Dingdong’s statement,  “My discernment revealed what is truly important in my life— panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa.

Life has presented me with two good aspirations, and I can always rationalize to weigh the pros and cons. But I know that, at this point, I am being redirected to my reason of creation— my family. My humble service to the public will continue and it could take a different form or level in the future; but first, I have to ensure that my home is protected and secured before I can take care of others.

Sa aking pamilya at mga kaibigan, thank you for always trusting my judgement and direction. Sa lahat ng nagmamahal sa amin nina Marian at Zia, na umaasang lumaki ang aming pamilya, thank you for your prayers.

Sa lahat nang humihikayat sa aking lumaban sa darating na eleksyon, salamat sa inyong tiwala at suporta. Ngayon, habang nag-aaral, naghahanda, at naglilingkod ako bilang isang volunteer at private citizen, umaasa akong patuloy pa rin ang ating pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating bayan, sa anumang paraan— maliit man o malaki, may posisyon man o wala. Nawa’y ang bawat kabataang kabahagi ng aming mga adbokasiya ay patuloy ding mangarap at maglingkod sa kanilang mga pamilya, paaralan at komunidad.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s