Bagong musical variety show ng GMA Network na ‘Studio 7’ magsisimula na ngayong October

Ni: Nora V. Calderon

NAKAHANDA na ang bagong musical variety show sa GMA Network na magsisimula next month. 

Masaya ang naging story conference ng show titled Studio 7 na ipalalabas on primetime every Sunday.

Ang bubuo sa cast ay ang mga Kapuso stars na sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Mikee Quintos, Kate Valdez and new Kapuso stars Rayver Cruz and twins Cassy and Mavi Legaspi.      Sasamahan din sila nina Gabbi Garcia at Mark Bautista.

Makikisayaa rin ang mga comedians na sina Super Tekla at Donita Nose.  At makakasama na rin ang ilan sa mga Clashers mula sa magtatapos nang singing competition na The Clash. 

Tamang-tama talaga ang show para sa kanila dahil nga nasa Final 6 na ang maglalaban-laban sa Saturday, September 29 na isa sa kanila ang matatanggal at sa Sunday, finale night, limang contestants pa ang maglalaban-laban para makuha ang nag-iisang The Clash Champion.

May isang segment ng show na tiyak na aabangan na tatawaging ‘Open Mic’ dahil pwedeng sumali at makisaya ang studio audience.

Mapapanood na sila simula sa Sunday, October 14, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s