Yassi, nahirapan din kalimutan agad ang huling bf na si Sef

Ni: Nora v. calderon

ISA palang movie adaptation ang Para sa Mga Broken Hearted mula sa best-selling book ng kilalang “hugot novelist” na si Marcelo Santos III, at tampok ang limang stars ng Viva Films na sina Yassi Pressman, Shy Carlos, Louise delos Reyes, Sam Concepcion at Marco Gumabao at dinirek ni Digo Ricio.

Ilalahad ang story ng bawat isa sa kanila, kung paano sila na-in love na natapos sa pakikipaghiwalay, paano magkukonek ang buhay nilang lima sa pagkakaroon nila ng broken hearts at paano nila matatanggap ito para makapag-move on.

Si Yassi ay si Shalee, bubbly photography enthusiast na may heart ailment.  Gusto niya si Alex (Sam Concepcion) simula pa noong mga bata pa sila.  Pero may ibang gusto si Alex, si Kath (Louise delos Reyes).

Mga broken hearted ba ang limang bida ng Para Sa Mga Broken Hearted?

Inamin ni Yassi sa mediacon na na-broken hearted na rin siya pero matagal na rin iyon at hanggang ngayon wala pa rin siyang bagong lovelife.

yassi and sef

Si Sef Cadayona pa rin pala ang last niyang naging boyfriend na nahirapan din siyang kalimutan agad pero ngayon naka-move on na siya, pero wala pa nga rin siyang bagong boyfriend.

“Ayaw ko po muna talaga dahil priority ko pa rin ang career at family ko,” sabi ni Yassi.

“Kung minsan nga po nawawalan na rin ako ng time sa family ko kapag sunud-sunod ang taping at shootings na ginagawa ko.  Happy po naman ako kung ano ako ngayon, hindi rin ako nag-ientertain ng suitors para hindi po ako talaga maguluhan.”

Sa October 3 ang showing ng Para sa Broken Hearted in cinemas nationwide at may red carpet premiere night sila sa October 2, sa SM Megamall Cinema 7.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s