KC, mukhang wala nang balak na balikan ang showbiz career; nag-e-enjoy sa piling ng rich French boyfriend

Ni:  Ruel Mendoza

WALA na bang balak na balikan ni KC Concepcion ang kanyang showbiz career?

Sa mga current post ng panganay ni Megastar Sharon Cuneta, makikitang nag-e-enjoy ito sa piling ng kanyang French boyfriend na si Pierre-Emmanuel Plassart sa Paris at manghang-mangha ang mga followers ni KC sa pag-aaring castle ng boyfriend nito.

Halos lahat ng lugar sa castle ay may kuha si KC at ramdam mong at home na at home ito roon.  Ang naturang castle ay 600 years old at pag-aari ito ng pamilya ni Pierre.

“I’ve never felt so at home in a 600-year old house until now. A house, no matter how big or how old, how small or how new becomes a HOME when filled with love, laughter, family get togetherness, conversations, jokes, home cooked meals, great wine & just happy memories all around. Don’t you agree?” caption ni KC sa isang post.

Marami ang natutuwa sa bagong lovelife ni KC at wish nila na magkatuluyan na ang dalawa.

Kabilang sa happy kay KC ay si Lea Salonga na nag-comment ito sa isang post ni KC ng: “I expect a save the date in the mail. Thanks.”

Si Pierre na nga ba ang lalakeng karapat-dapat kay KC? Handa na bang magpakasal ito? Paano na ang kanyang career?

Ito ang mga tanong na naghihintay ng kasugutan mula kay KC mismo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s