Erik, sinuportahan ng mga sikat na singers sa successful 15th anniversary concert

Ni:  Rohn Romulo

VERY successful ang 15th anniversary concert ni Erik Santos na ‘My Greatest Moments’, na ginanap noong Sabado nang gabi sa MOA Arena, na sa simula pa lang ay bumirit na agad  sa awiting “This Is The Moment” at “The Greatest Love of All” kasama ang tumayong little Erik, ang TNT Kids 2017 grand winner na si Jhon Clyd Talili, kasunod ang “I Believe I Can Fly.”

Tiyak na tuwang-tuwang ang bumubuo ng Cornerstone Entertainment na pinamamahalaan ni Erickson Raymundo dahil very successful nga ang concert ni Erik, na habang naghihintay na mag-umpisa, ay pinapakita ang video ng mga artists and directors nila, na marami na namang nadagdag.

PAMORE-PR8B

Anyway, maayos na naikuwento ni Erik ang kanyang pinagdaanan simula pa lang bata ay sumasali sa mga singing contests, pero palaging natatalo.  Isang beses nanalo naman siya kalaban ang mas matatanda, nakuha niya ang third place na may tropeo (na itabi pa niya) at 500 pesos.

Naalala rin niya ng first time makakapanood ang ama dahil ilang taon itong naging OFW, pero nakalimutan niya ang linya ng “I’ll Be There”.  Naging wedding singer din siya noon at binayaran siya ng 150 pesos, at dahil sikat na siya, 150K na ang talent fee niya or more pa, pagbibiro pa niya.

Marami rin siyang pinagdaanang rejections sa mga auditions para sa TV shows and commercials bukod sa pagiging talunan sa singing contests, pero buti na lang at hindi siya nag-give up.

Erik-Santos-2

At isa na sa ‘greatest moments’ ni Erik ay ang magkaroon ng wild card edition ang ‘Star In A Million’, matapos niyang matanggal agad, pero siya nga ang nanalo at tinalo niya si Sheryn Regis, na maganda sana kung nakarating sa concert ni Christian Bautista at iba pa nilang ka-batch na sina DK Tijam, Johann Escanian, Czarina Rosales, Teresa Garcia at Michell San Miguel. Kinanta nila ang “A Million Dreams” na mula musical film na The Greatest Showman at ang theme song ng Star In A Million.  At isa nga sa pinakatumatak ang winning piece niya na “This Is The Moment”

Nakipagbiritan si Erik kasama ang co-artists niya sa Cornerstone na sina Moira, Kyla, Yeng Constantino at Angeline Quinto, na nakatanggap ng malakas na palakpakan, dahil marami pa rin kinikilig sa dating magkasintahan.

Nakasama rin ni Erik ang R&B royalties na sina Jay-R, Jason Dy at Daryl Ong at binigyan nila ang bagong rendition ang isa sa pinasikat na “Say You’ll Never Go.”

Isa nga sa inabangan namin ang paglabas ni Regine Velasquez-Alcasid, na ka-duet ni Erik sa “Pagbigyang Muli” na kasama sa kanyang anniversary album.

Nabulabog nga ang MOA Arena sa paglabas ni Regine, pang-lima sa mga ka-duet ni Erik sa teleserye themesongs, kasama sina Vina Morales (“Maging Sino Ka Man”), Ogie Alcasid (“May Bukas Pa”), Jaya (“Muling Buksan Ang Puso”) at Martin Nievera (“Magpahanggang Wakas”).

Erik-Santos

Nakatutuwang mapanood ang lima sa isang stage, na pwede raw mangyayari sa stage ng ASAP, kung matutuloy ang sinasabing paglipat ni Regine sa ABS-CBN dahil bukod dito puwede siyang maging part ng ‘The Voice’ o sa ‘Tawag ng Tanghalan’ ng It’s Showtime.

Sa kanyang tribute para sa musical influences na kinabibilangan nina James Ingram, Michael Bolton, Basil Valdez, Gary Valenciano at Martin, nilapitan ni Kris si Gary para makipag-duet sa “Sana Maulit Muli”, na hindi pa rin nagbabago ang mapuso niyang pag-awit.

Ipinarinig din ni Erik ang bago niyang upbeat single, na mukhang babago ng konti sa kanyang pagiging balladeer.

Hindi naman nakarating si Kris Aquino, na nangakong manonood at bumili nang maraming tickets dahil nagkasakit na naman.  Ganun-ganun na lang ang pasasalamat ni Erik sa Queen of All Media, dahil noong nagsisimula pa siya ay palagi itong gini-guest sa shows nito.

Napansin din namin sa pagbabalik-tanaw ni Erik sa kanyang ‘greatest moments’ sa 15 years sa showbiz, hindi man lang nabanggit ang lovelife niya, alam naman natin na dalawa sa naging girlfriends niya sina Angeline at Rufa Mae Quinto.

Of course, malaki ang pasasalamat ni Erik ay Boy Abunda at sa Backroon, Inc., ang una niyang management, sa ABS-CBN, Star Cinema at higit sa lahat ang Star Records, na nakapagbigay sa kanya ng tinatamasang kasikatan at titulo tulad ng ‘The King of OPM Theme Songs’.

erik-santos-mgm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s