Ryan M. Kolton, ang bagong mukha na dapat abangan sa mundo ng showbiz

Ni: Throy Catan

BAGO palang sa modeling industry sa ‘Pinas ang holleywood actor na si Ryan M. Kolton ay kabila’t kanan na ang mga proyekto. Isa na rito ay naging parte siya ng Star Awards for Music bilang isa sa mga presenters. Naging guest speaker din siya para sa BFC Lab and Watson’s Transformation – Beauty + Fitness na ginanap sa SM Makati. Nung nakaraang Sabado, Septyembre 22, ay pinasaya ang mga manonoood na Caviteños sa V Central Molino para sa mall tour ni Tori Garcia na #MayPaTShirtSiAteToriSaMgaBata mall show.

Si Ryan ay nagmula sa Ukraine, dahil sa palipat-lipat ng tahanan dahil sa kanyang magulang. Dahil dito, madali siya naka-adopt sa iba’t ibang kultura. Hindi nakakapagtakang madali siya napamahal sa mga Pilipino.

Ryan Kolton5

Dahil sa kanyang angkin talento bilang mahusay na aktor at pagmomodelo kaya naman madali siyang nakapasok sa showbiz industry, Well super guapo naman talaga si Ryan sa personal ganun din sa screen out cam plus may magandang pangangatawan kaya naman madali siya makakuha ng mga proyekto.

Ayon kay Ryan, Exercise at healthy diet lang ang sikreto niya para sa kanyang magandang pangangatawan . Noon pa man hilig na niya ang umarte katunayan nung nag-aaral pa siya sa UCLA may mga nagawa na siyang mga proyekto tulad  ng “Jay Rocco”, “Past Presence” ,at “Compound 147”

Samantala, pag hindi naman busy si ryan sa kanyang mga proyekto ay inaasikaso niya ang kanyang advocacy para sa mga earthquake victims ng Lombok, Indonesia. Humihiling siya sa mga taga-media, at sa mga potential sponsors na magbigay tulong sa mga nasawi. Para sa dagdag na detalye, i-contact ang @ifqevent o ang official account ni Ryan M. Kolton (@ryanmkolton) sa Instagram.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s