Mikael, mukhang magpo-propose na kay Megan sa pagpunta nila sa Iceland

Ni:  Rose Garcia

HINDI biro ang walong taong relasyon.

At this month nga, sini-celebrate na ng mag-sweetheart na sina Megan Young at Mikael Daez ang kanilang 8th anniversary.

So, ‘di naman na talaga nakakagulat kung sa mga panahong ito, napag-uusapan na rin nila ang kasal. Though, wala pa talagang proposal na nagaganap from Mikael.

Nangingiti lang si Mikael nang sabihin namin na parang may pakiramdam kaming pagpunta nila ni Megan ng Iceland next year, dun na siya magpu-propose.

“Tingin mo?,” nakangiti naman niyang sagot.

mikael d

Siguro nga, nakatulong din kina Mikael at Megan na kahit last year lang yata sila umamin na officially sila na nga at halos limang taon na hindi sila umaamin sa pagiging strong ng relationship nila.  Hindi sila umaamin in public, pero sa mga malalapit sa kanila, open naman ang dalawa.

Nakikita rin namin ang pagiging compatible nila sa isa’t-isa. Kahit sa magiging bahay nila once they get married, pareho ng gusto ang mga ito.

Sabi nga ni Mikael, “Ako talaga, I want condo living na lang. Kasi, na-experience ko sa bahay namin.  Since siyempre, medyo old house na rin and ako na yung parang namamahala, mahirap din mag-maintain ng bahay.”

Same goes with Megan na condo lang din daw ang gusto. Katwiran niya, mas malaking bahay, mas mahirap pang linisin.

Pagdating naman sa wedding, especially after nilang mag-attend ng wedding ng kapatid na babae ni Mikael sa Paris, talagang ang gusto niya raw, yung intimate wedding lang na halos lahat ng guest, magkakakilala.

megan y

Sa totoo lang, halos nasubaybayan namin ang love story nina Mikael at Megan at nakaka-proud makita ang dalawa ngayon na ang dami rin nilang pinagdaanan, pero heto’t mas matatag pa.

No wonder, ang co-star nila na si Katrina Halili sa The Stepdaughters na kahit isang taon na nilang kasama sa taping, hindi pa rin nai-immune sa sweetness nina Megan at Mikael sa set.

Natatawa na lang ang dalawa kapag nagbi-bitter-bitteran si Katrina dahil ito raw, ilang taon ng single at pagkatapos nasa harap nga niya sina Megan at Mikael na inlab-inlaban.

Pero sabi nga ni Megan, “I love Kat. I really love her.  Mukha siyang tough on the outside, pero inside, she’s really soft.”

Anyway, nalalapit na ang pagwawakas ng The Stepdaughters kaya mas intense pa ang mga susunod na episodes nearing its finale.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s