Kiray, pa-comedy na sinagot ang mga mapang-okray na bashers

Ni:  Ruel Mendoza

PABORITONG i-bash ng mga internet trolls ang aktres na si Kiray Celis sa social media accounts nito.

Nag-post si Kiray sa kanyang IG noong nakaraang September 8 ng kanyang naging bakasyon sa Hong Kong.

Sa naturang photo ay nakasakay sa train si Kiray at suot niya ay black leather jacket.

“Salamat po sa aking pa kulot ng buhok tito @fannytfserrano salon at Salamat sa hk trip nato @stellarxtravel2017,” caption ni Kiray.

Maraming natuwa sa post ni Kiray, lalo na ‘yung mga followers niya na nakita siya in person sa Hong Kong.

Pero hindi pa rin mawawala ang basher na pinuna ang suot ni Kiray.

Nakaleather jacket ka na naman, malamig ba sa HK? @kiraycelis” tanong pa ng netizen na may account name na @gemma_of_t.

Pa-comedy naman na sinagot ito ni Kiray: “@gemma_of_t wag oa! Sexy yung blouse ko kaya ako nag jacket. Minsan hindi porket nag jacket malamig. Minsan po fashion statement din. AND I THANK YOU!”

Natuwa ang 872,000 followers ni Kiray sa pagsagot nito sa basher at pinagtanggol naman nila ang aktres sa mapang-okray na basher.

Pahabol na sagot ni Kiray: “Banat ni ate nangaasar. Naasar tuloy ako! BUWAHAHAHHAAHHAHAHAA! CHAR!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s