Alden, kaabang-abang ang mga pasabog sa concert; Maine, dumating kaya?

Ni: Rose Garcia

NGAYONG gabi na ang Adrenaline Rush concert ni Alden Richards na magaganap sa KIA Theater kasabay ang album launching niya ng Until I See You Again under GMA Records.

Puspusan ang ginawang preparasyon at pagre-rehearse ni Alden para sa concert niya dahil gusto raw niyang talaga na magbigay ng kakaibang performances at maging masaya ang mga manonood ng concert niya.

alden-until

Tiyak na marami ang mag-aabang kung ano ang gagawin ni Alden kunsaan, sinabi na nila ahead na may mga stunts siyang gagawin. Posible rin na may mga lipad-lipad din.
Sabi nga niya, incorporate nila ang mga stunts na posibleng napapanood sa kanya sa primetime series niyang Victor Magtanggol sa concert niya ngayong gabi. At isa ito sa magiging kaabang-abang.

Naalala namin yung last concert ni Alden, parang Aldubserye pa rin na may nagsabi at nag-post na nanonood daw si Maine Mendoza. Pero wala naman itong talaga at may kasabay na commitment.

Hindi na kami magtataka kung kahit solo concert ni Alden ngayong gabi, may mag-aabang pa rin kung darating o susuporta si Maine sa ka-loveteam.

alden-maine (1)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s