Sam, ayaw magbigay ng detalye sa break-up nila ni Kiana

Ni: Rose Garcia

UMAMIN si Sam Concepcion na break na sila ng girlfriend na si Kiana Valenciano nang tanungin namin siya ng diretso.

Pero ayaw na niyang magbigay ng detalye kung gaano na sila katagal naghiwalay, kung sino ang nag-initiate ng break-up at kung ano ang dahilan.

Ang sinigurado lang niya sa amin, walang third party. But at the same time, mahirap naman daw sagutin specifically kung ano talaga ang dahilan.

“Parang yung ganyang bagay hindi mo mabibigyan ng specific na, eto kasi ang rason kung bakit hindi nag-work-out. Pero ang alam ko lang, things will work out, hopefully for the best.”

sam and kian

Inamin ni Sam na nasa healing or moving-on process pa siya. Kaya hindi man niya sinabi kung kailan sila nag-break, mahihinuha na bago lang ito.

May time na nagkaka-usap pa rin daw sila ni Kiana dahil same circle of friends naman daw sila.

Nang tanungin namin siya kung may posibilidad na magkabalikan pa rin sila, sinabi na lang niya na hindi pa niya ito masasagot.

“Hindi ko alam, mahirap. I don’t want to say anything that will ruin or jeopardized or speaks about something I can’t speak about.”

Sa isang banda, sigurado namang hindi sinadya na kung kailan promo at ipalalabas na sa October 3 ang pelikula nilang Para Sa Broken Hearted ng VIVA Films, tumayming ang break-up issue ni Sam.

Tuloy, sa kanilang cast kabilang sina Yassi Pressman, Shy Carlos, Louise delos Reyes at Marco Gumabao, siya ang masasabing konek na konek ang pinagdadaanan sa tema ng pelikula nila.

Natatawa na lang si Sam sabay sabi nang, “Oo nga, e. Parang ‘yung tinatawag na life imitating art.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s