Marian, proud na pinost ang photos ni Zia as little Marilyn Monroe; mahabang buhok pinagupit na

Ni:  Rohn Romulo

NAG-VIRAL na naman ang sobrang cute na si photos ni Zia Dantes na nag- dressed up bilang little Marilyn Monroe para sa Hollywood-themed school anniversary celebration.

Proud na proud ngang ipinost sa Instagram ng kanyang mommy na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang mga photos ng kanyang “little Ms. Monroe”.

Marami ngang netizens ang natuwa at nagandahan kay Little Z sa kanyang stunning white dress, na accessorized with pearls, white wig at ang fake mole sa kanyang face, kaya kuhang-kuya niya talaga ang American beauty icon.

marian r-post

Ayon sa isang netizens sa Fashion Pulis, “Naka-jackpot sila kay Zia. Bukod sa well behaved at masayahin, napaka charming at malambing pa. Bonus na lang na lalo siyang gumaganda habang lumalaki. Mas maganda pa nga PR skills niya sa dongyan. Pag nakakita ng maraming tao, wave at flying kisses agad at di siya iyakin.”

Panalo rin ang isa pang comment, “Mark my words, this toddler is a future superstar. Basta nakakita ng camera, smile agad. Galing na niyang mag pose and project at her age. She is ZiADORABLE indeed!!!”

Sino nga ba ang hindi makakapansin sa habang lumalaki ay lalong gumaganda si Zia.  Bonggang-bongga rin kung mag-pose, at manang-mana talaga kay Marian sa pagiging fresh at mabango palaging tingnan.

zia dantes.png

Samantala, nag-post naman si Marian na pinutol na niya ang kanyang long hair na ayon sa mga nakakita ay baka preparation na talaga niya ‘yun sa pagbubuntis.

Ayon pa sa netizens, “maintaining long hair requires nutrients na sana napunta na lang sa baby if pregnant. Also, mas madali i-maintain short hair pag buntis hanggang mag breastfeed.”

Tiyak na makikita natin ang new haircut ni Marian ngayong Linggo sa Sunday PinaSaya at aabangan kung malalabas na sila ni Dingdong Dantes ng official statement.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s